Chapter 38 - Anger

189 5 1
                                    

 Pammy.

                 “What happened to Chinno? Anong balita sa kanya?” tanong ni Ms. Rina habang nagchecheck ng attendance. 

Tatlong araw mula nung nag-usap kami. Tatlong araw na din siyang hindi pumapasok. At habang tumatagal, the space in my chest where he was before, is now a hole and is getting bigger. God I miss him at tama nga ako, buong buhay kong pagsisihan ang desisyon kong pakawalan siya. I can now feel the emptiness of not being with him.

Nagtaas ng kamay si Pao, “Ms. Rina may sakit pa po. I was talking to him last night and may trangkaso pa rin daw po.”

                 “Okay, just make sure to ask him for an excuse letter from his parents okay?” sagot niya kay Pao. “And Pammy?” she turned to look at me and said, “Make sure to tutor him sa mga namiss niyang lessons okay?” 

Wala naman akong choice kaya napatango lang ako. Parang lalo yata akong mahihirapan na kalimutan siya. 

*********************

Lunch time pero nasa classroom pa rin ako. Nawalan talaga ako ng gana kumain these past few days. Sabi nila kapag may problema ka, idadaan mo sa kain ang lungkot mo. Bakit kaya ako iba? Sinamahan din ako ni AM, D, Erin, Mommy Cha at Aki na magmukmok dito sa classroom.

                 “Pammy..” napalingon ako sa tumawag na si AM. “Nagwoworry ako sa’yo, decided ka na ba talagang tapusin yung sa inyo ni Chinno? Hindi pa naman confirmed na ano eh, na buntis nga kaya huwag ka munang padalos dalos. Pa’no kung hindi? Anong gagawin mo?”

                 “Sa totoo lang, hindi ako sigurado. Hindi ko din alam kung mapapanindigan ko ‘to. Pero isang bagay lang ako sigurado, buntis man o hindi…” kumikirot ang puso ko everytime masasabi ko ang salitang buntis, “…buong buhay kong pagsisihan kung ano mang desisyon meron ako ngayon.”

Tumulo na naman ang luha ko at nung inalis ko ang tingin ko kay AM, nakatingin lahat ng kaibigan ko sa’kin na kasama ko ngayon.

                 “Pammy.. be strong. Kaya mo yan.” yakap sa’kin ni D. Maya maya pa, yumakap na din si Mommy Cha, Erin at yung iba pa. 

Kaya ko ‘to. Wala naman akong choice kundi kayanin ‘to. 

 *********************

Friday at ganon pa rin, wala pa rin siya. Nag-aalala na ko at hindi ko naman makausap si Pao kasi natatakot ako sa malalaman ko.

Nang matapos ang Flag Ceremony at papunta na kami sa classroom, biglang nalang sumigaw si AM kaya napalingon ako.

                 “Chinno!!!!!” sigaw ni AM. 

Paglingon ko, napapalibutan siya ng lahat at kinukumusta. Ang daming kantsyaw ang natanggap niya mula sa mga kaibigan namin.

                 “Mabuti naman nagpakita ka na!” – April

                 “Ang daya mo, tinamad ka lang yata pumasok!” – Ice

                 “Akala ko magtatransfer ka na ng school.” – Trish

                 “Akala ko nilamon ka na ng lupa.” – GJ

                “Akala ko nagpakasal ka na kay Ri..” – AM 

Hindi na natuloy ang sinasabi ni AM kasi tinakpan na ni Alex ang bibig niya. Natigilan sila at tumingin lahat sa’kin. Napatingin din si Chinno at tinitigan ako, pero maya maya pa ay umiwas din ng tingin. Hindi ko siya mabasa pero isa lang ang sigurado ako, hindi na yun katulad ng tingin niya sa’kin dati. 

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon