Chapter 5 - Sa Perya

374 13 0
                                    

Author's Note:

Medyo mahaba po ang chapter na ito! Ready na ba kayong kiligin? If yes, don't forget to like or post a comment.

****************************************************

“Makikilala mo na siya.” sabi ni Chinno sa akin nang sabayan niya ko maglakad papuntang perya.

            “Ha? Sino?” tanong ko.

            “Yung sinabi ko sa’yo sa Math Book.” sagot niya. Bakit kasi kailangan kong makilala? Hindi ba niya alam na nasaktan niya si Alex? Kasama kaya namin siya ngayon. Grabe talagang ‘tong si Chinno! Babaero! Insensitive! Ang sarap kalbuhin ng ten times!

Bago pumunta sa perya ay may dinaanan kami na bahay. Tumigil kami at naghintay sandali. Nakita ko si Chinno na nagtext at maya maya pa, may lumabas na babae.

Madilim ang paligid kaya hindi ko siya masyadong namukhaan. Nakita ko lang na mahaba ang buhok niya at parang magkasingtangkad lang kami. Katabi ko noon si Alex.

            “Yun ba?” tanong sa akin ni Alex.

            “Siguro.” Na-gets ko agad ang tanong niya. Heto na yung sinasabi ni Chinno na “bago”.

            “Mas maganda ako di ba?” tanong sa akin ng BFF kong naghahanap ng assurance na pang boost ng ego niya. Kailangan niya ng assurance kasi nakaharap sa amin ngayon ang babaeng ipinalit sa kanya.

            “Naman!” sagot ko with full conviction kahit hindi ko naman kita ‘yung features ng mukha nung babae.

Umalis na kami pagkatapos makipagusap si Chinno sa babae sa dilim. Hindi siya sumama for some reason, baka siguro dahil nakita niya si Alex.

Ang Perya sa bayan namin ay mas malaki sa pangkaraniwang peryahan. Nasa park ito at sobrang dami ng mga ilaw... ang gandang lang tingnan. Napakaraming rides, ang daming pwedeng laro at maraming mabibilhan ng pagkain. Nakakatuwang tingnan ang paligid. Ang daming pamilyang masasaya, mga magbabarkada tulad namin at meron ding mga nagde-date na couples.

Bigla ko tuloy naalala si Eric, kumusta na kaya siya? Maayos kaya ang training niya sa Thailand? Pinadala nga pala siya don para sa isang Volleyball Training. Nung huling Interschool Sports Competition, napansin ng city Mayor namin ang galing niya sa volleyball kaya naman may balak silang gawing national athlete si Eric. Isasama sa susunod na Sea Games. Haaayyy… Eric ko. I wish you were here. >..

            “Ay kabayo!” Aray ko… huhuhuhu (_._)” Bwiset na bato yan… huhuhu ang sakit ng tuhod ko! Sa dinami-dami ng lugar na pwede akong madapa at gumulong, sa perya pa talaga na napakaraming tao. >.

            “Uy besty, okay ka lang?” tanong ni Alex habang inaalalayan akong makatayo.

            “BFF naman eh mukha ba akong okay? Sugat tuhod ko, ang dumi pa ng paa ko. Masakeeeeetttt!” reklamo ko. Hindi pa din ako makatayo.

            “Ilang palaka nahuli mo?” pagtingin ko kung sino ang nagsalita, si Chinno.

            “Che!” sigaw ko habang tumatayo. Hindi pa rin ako makatayo.  Huhuhuhu “Ang sakit ng paa ko.”

Pagtingin ko may sugat din ako sa kanang paa. Waaaaahhh. (T.T) Duguan ako! Someone help me!

            “Halika nga…” nagulat ako. I didn’t see that one coming. Binuhat ako ni Chinno, yung buhat ng parang bagong kasal. Nakakahiya! Ang daming tao dito! 

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon