Chapter 20 - Ang aking soulmate

281 10 0
                                    

We are finally official. Christopher Zambrillo Razon is my first boyfriend and hopefully, my last. Like I said, he belongs to me and I belong to him.

Kay AM ko unang sinabi. We looked for her kasi nga nasa blind date and we found her with his date. I found out na ex pala ng pinsan ko ang date niya. Napadouble date tuloy kami. >.

    “Great. Boyfriend mo na ang EX ng BFF mo.” sabi ni AM while putting lipstick on. Nasa CR kami gayon ng restaurant kung saan kami nagdate at grabe maka-comment ang kaibigan kong ‘to.

    “Hindi naman naging sila.” mahina kong sabi.

    “I’m happy for you Pammy, sa totoo niyan kinikilig talaga ako. Kaya lang kailangan mo nang sabihin kay Alex yan bago pa niya malaman sa iba.”

    “Natatakot ako.”

    “For sure, maiintindihan ni Alex. Mahal ka nun. Never underestimate her, bestfriend mo siya. I’m sure she’ll understand.” At niyakap niya ako.

Monday and for the first time in forever, excited akong magMonday. >.

Late dumating si Chinno siguro dahil late nagising. Medyo basa pa yung buhok niya and then medyo maga pa yung mata.. signs na halos kagigising lang.

Binaba niya lang ang bag niya sa chair and he kissed me on my forehead.

Napakashowy naman nito, tinatago nga namin di ba? Buti nalang wala masyadong nakakita or wala nga ba?

    “Congrats bro!” bulong ni Pao kaya naman napatingin ako sa kanya.

    “Thanks man!” at nagfist bump sila.

    “Hmmm… Am I missing something here?” tanong ni D na seatmate ni Pao.

Siguro nakita niya ang sweet gesture ni Chinno. @.@ Patay tayo diyan. Bumulong si Pao kay D at nanlaki ang mata niya.

    “Nak totoo? Congratulations!” sabi ni D. Anak nga pala ang tawag sa akin ni D. Anak daw nila ako ng boyfriend niya ngayon na taga-Tuguegarao. Nakilala namin nung Leadership Training last year.

I just nodded and smile. Nakakatuwa naman ‘tong mga kaibigan ko. Nakakataba naman ng puso. ^.^

    “Ikaw Chinno! Oras na lokohin mo yan, mata mo lang ang walang latay!” mataray na sabi ni D na may kasama pang hampas na braso.

    “Ako na naman nakita mo D.” sabi ni Chinno na nagkakamot ng ulo.

Dumating na si Ms. Rina at nag-announce, “Seniors! Settle down. Confirmed na next week ang retreat niyo sa Baguio.”

Nagsigawan ang lahat ng Seniors at halatang halata na masayang-masaya. Finally, matagal na naming nirequest yan! Yes!! Sa wakas! Baguio na ‘to!

    “Guys please, huwag masyadong maingay. May class sa kabila. I’ll pass around the permission slips then I need those by tomorrow okay?” patuloy ni Ms. Rina.

    “Yes Ma’am!” sagot ng lahat.

    “Very good! Let’s now start the class.”

Nagulat ako ng biglang may nakapatong na malaking Cadbury Bar sa desk ko.

    “Ano ‘to?” nagtatakang tanong ko.

    “Ahhh chocolates?”

    “Alam ko babe pero para saan?”

    “This is the first time you called me Babe today. I like it.”

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon