Undelivered Letter - #2

229 13 3
                                    

Pammy,

Sorry sa nangyari sa amin ni Alex. Alam ko nagalit ka kasi biglang ayaw ko na kay Alex.

Nagustuhan ko naman talaga siya, sweet at thoughtful.

Kaya lang may pagkamasokista yata ako.

Kahit lagi mo akong sinisigawan..

kahit ang lalakas ng mga hampas mo sa akin..

at kahit parang sinusumpa mo ang araw na ipinanganak ako..

Ikaw pa rin ang gusto ko.

Madalas kong hilingin na sana totoo na lang ang imaginations ko. Ang bakla mang aminin... pero I always dream of you, umaga man yan o gabi.

Madalas din akong magdaydream na magkasama tayo at hawak ko ang kamay mo tapos nakasandal ka sa dibdib  ko. 

Pero gusto kong magpasalamat sa'yo, hinayaan mo kong hawakan ko ang kamay mo. Salamat ng sobra. Tinupad mo ang pangarap ko.

Sorry kung hiniling kong bitawan mo ang kamay ko, nararamdaman ko kasing magpapawis na ang kamay ko sa kaba.

Lumilipad ako sa saya kanina at hiniling kong hindi na tumigil ang oras na kasama kita.

Natatakot ako kapag nakikita kita.

Pinagpapawisan ako kapag kausap ka.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kapag kasama kita. Yung tipong hihiwalay ang puso ko sa katawan ko.

Kung ganon lang kadaling magtapat sa'yo. Sana nakapagtapat na ako.

Chinno

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon