Chapter 16 - Lungkot at Saya

324 12 2
                                    

Pao.

“Haaaayyyy… buhay!” Nakakainip naman ang araw na ‘to kung bakit pa kasi wala si May ngayon, ang tagal tuloy ng buong maghapon na ‘to. Pero buti nalang uwian na at half day lang bukas, dapat lang magpabomba na ang school ng insecticide. Ang dami nang nagkakadengue dito.

Oo nga pala, haaaay. Takte talaga ‘tong si Chinno! Hayup kasi sa pambababae kaya tuloy ako damay! Isang nagbabagang “Che!”  tuloy ang inabot ko kay Pammy.  Oh teka??? Sila ba yung nasa canopy? Takte! Mga bipolar. Kanina lang eh magka-away tapos ngayon okay na.

                “Chi… uwi na ko!” sigaw ko.

                “Sige bro!” sagot niya na sumigaw din.

                “Bye Pao!” sigaw ni Pammy while waving her hand.

Adik talaga ‘tong dalawang ‘to. Pero mas mabuti nang ganyan, masaya lang ang lahat. Isa nalang ang problema ng lokong ‘yon at nararamdaman kong magiging kasali ako sa gulo na ‘to.

                “Takte ka talaga Chinno!”sabi ko sabay start kay princess. Buti nalang dito, okay lang walang helmet kapag nakamotor. Magugulo kasi ang buhok ko.

                “Paolo may naghahanap sa’yo.” sabi ni Mommy na pumasok sa kwarto ko.

                “Sino daw? Si Chinno ba?”

                “Hindi, anak ni Mareng Esther. Ano ngang pangalan ng batang ‘yon?”

Nanlaki ang mga mata ko! Anak ng pitumpong tupa! Ako na naman ang mapapahamak sa kalokohan ng bespren kong two timer!

                “Ma sabihin mo wala, umalis, tulog!”

                “Ano ka ba? Sinabi ko nang nandito ka! Bakit ba? Girlfriend mo ba yun? Niloloko mo na naman si May?!” galit na sigaw ni Mommy.

Here we go again… minsan iniisip ko sino ba talagang anak ng nanay ako. Ako o si May? Ginayuma yata ni May ang nanay ko kaya botong boto sa kanya.

                “Ma, hindi sa’kin! Pagalitan mo si Chinno! Yun ang may syota dun!”

                “Basta bumaba ka na at tigilan mo na ang paglalaro diyan sa computer mo!” Galit na ang nanay ko, kailangan kong sumunod.

Bumaba na ako. Anak ng kamoteng hilaw! Anong sasabihin ko? Tae! Bahala na!

                “Uy Rics, what’s up?” bati ko sa kanya. Nasa garden kami ngayon at mukha siyang problemado. Alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito.

                “Hey Pao..” she said with a fainted smile, “.. have you heard anything from Chinno? Dalawang linggo na kaming walang contact eh. I was trying to call and text him pero walang response.  Nagwoworry na ako baka kasi may nangyari sa kanyang hindi ko alam. I was planning to visit him sa school niyo kaya lang umulan... ng malakas.” Yumuko siya at alam kong umiiyak siya.

T*ngina! Ayoko pa naman makakita ng umiiyak na babae. Isip Pao! Umisip ka ng matinong sagot! Baka kapag sinabi kong hindi naman talaga siya mahal eh lalong umiyak ‘to.

                “Pao ano bang nangyari?” Tumingin siya sa akin at nakita kong lumuluha ang mga mata niya.

                “Ahhhm.. his dad took his phone. That’s why he can’t text you.” The art of lying is one of my expertise, Rica’s face lit up and she smiled.

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon