Chapter 24 - ang Kalat

236 8 2
                                    

Author's note:

Totoo pong nangyari yung scene sa banyo. Isa sa mga significant events na nangyari nung highschool kami. ^.^ Retreat din noon at sa Baguio din.  
***********************************

Pangalawang araw na namin sa Baguio at natapos ang buong araw namin na puro classroom discussions lang about God’s plan for us. Napaisip tuloy ako kung ano ba talagang gusto ko sa buhay, kung ano ba talaga ang gusto ni Lord for me. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa sigurado kung anong gusto kong course in college.

I’m torn between being a doctor and being a journalist. Bahala na si Lord. ^.^ Kung san na lang makapasa. Dalawang school lang naman ako kumuha ng entrance exams. Si Chinno kaya, saan papasok? Tatanong ko pala sa kanya mamaya. >//<  

Nagreready na kaming lahat para matulog after a long and tiring day. Nasa kwarto kami ngayon ni Arcee since siya yung roommate ko nang biglang sinabi ni Mommy Cha na may class meeting daw with Mrs. Perez.

          “Para san daw?” tanong ko.  

         “Hindi sinabi eh basta after niyo diyan punta na kayo sa may lobby.” sagot ni Mommy Cha.

Bilang madalas akong atakihin ng paranoia, naisip ko bigla na baka may nakakita sa amin sa garden kahapon. @.@ Oh my gulay! Huwag naman po sana Looooord!

Nung dumating kami ni Arcee sa lobby, halos wala pang tao. Kami palang nina Mommy Cha, Alex, AM Aki at Arcee ang nandito.

Nasa west wing ang mga lalaki, at sa east wing naman kami. Ayaw nilang nasa iisang lugar daw ang boys at girls dahil hindi daw magandang tingnan. Nakakatawa lang ang nangyari kasi halos isang kwarto lang naman ang pagitan ng east at west wing so parang easy access din naman ang lahat sa isa’t isa. Wala kaming kasamang faculty sa third floor kasi puno na ang mga rooms dito, sa dami ba naman namin. (^.^)

Maya maya pa, sunod-sunod nang nagdatingan ang iba. Lumapit naman sa amin sina Pao at nakita kong papalapit na din si Chinno kasama si Eric. Bakit parang bumagal ang lahat? Teka.. tumingin ako sa kanan at kaliwa, ang bagal talaga ng lahat! Sh*t!  Ito na pala yung slow motion effect, paksyet! Mahal ko na nga ‘tong g@gong ‘to!
(-_-“)

Puwesto sa likod ko si Chinno, nakaupo ako ngayon sa isa sa mga sofa sa lobby.

Nakasimpleng shorts and white shirt lang siya pero parang siyang model ng white shirt sa paningin ko. First time ko yata siyang nakitang nakapambahay at ang cute niya!   >//< Ang sarap niyang iuwi sa bahay. Kyaaaaaaaaa!

          “Bakit ka nakangiti?” tanong ni Alex.

          “Nastarstruck lang.”

          “Ha?”
 
          “Wala.. joke lang.” natatawang sagot ko.  

          “Baliw!” sagot niya sabay irap.

          “Para san daw ‘to?” Kailangan kong itanong.. kabado ako eh. Baka tungkol samin ni Chinno ‘to. @.@ Oh my gulay!

Dumating na sa wakas si Mrs. Perez at she’s about to unleash the dragon in her. Mukha syang bad vibes! Pumunta siya sa unahan namin at mukhang malapit na siyang maglabas ng isang daang porsyento ng lakas na parang si Taguro.

          “Tayo lang ang co-ed school na tinanggap ng retreat house na ‘to.”  Bungad ni Mrs. Perez. Para siyang may gustong sabihin na hindi niya masabi. Malalim siyang nagbuntong hininga tapos nagpatuloy, “Kailangan nating mag-iwan nag magandang impresyon sa lugar na ‘to. Wala sana masyadong maingay, yung mga kwarto kailangang malinis at pag oras ng kain, huwag tayong umasta na parang hindi pinapakain.”

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon