Chapter 27 -Monthsary

422 10 3
                                    

Pao.

"Pao ano na? Anong petsa na?" reklamo ni Arcee.

"Sandali lang tae! Wala na akong maisip."

"Sumuko ka na kasi tol! Wala kang panama sa'kin." pagmamayabang niya.

Mga alas tres na ng umaga at nandito parin kami nakatambay sa kwarto ni Mommy Cha. Hindi pa kasi kami inaantok at katext ko pa si May. Halos kami lahat nandito, wala lang yung dalawang pares ng mga lovebirds - si Chinno, si Pammy, si GJ at si Trish.

Naglalaro kami ngayon ng dugtungan ng kanta at nagtapos si Arcee sa salitang "friends".

Potah! Wala na kong maisip! Consequence ang aabutin ko nito. "Wala! Wala na, talo na ko!"

"No match ka pala eh! Hmmm... ano kayang mauutos ko?".., anak ng tinapay, baka kung anong pagawa nito ah, "..sige pumunta ka sa kwarto namin ni Pammy tapos kunin mo ang mga chichirya ko dun!"

Takte! Ang layo ng kwarto nila, nakakatakot pa. Baka may makasalubong akong multo, mabakla pa ko!

"Iba nalang.. nakakatakot!" sabi ko.

"Taena mo, bakla ka ba?" hirit ni Adrian at nagtawanan sila.

"Namo! Sige sige na!" At lumabas na ko ng kwarto nina Mommy Cha.

Sh*t! Nakakatakot talaga kaya naman napatakbo ako ng hindi oras. Nasa tapat na ko ng kwarto nina Pammy at pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Chinno at si Pammy na magkayap na natutulog.

Tae talaga 'tong si Chinno! Bawal yang ginagawa niya eh! Buti nalang ako lang nakakita kung hindi baka mapapahamak pa sila ng hindi oras. Wala naman akong duda na may ginawa 'tong bespren ko na masama sa girlfriend niya, if you know what I mean. Pero hindi naman lahat ng tao ganon ang iisipin.

Lumapit ako sa tabi ng kama at ginising si Chinno. Mumulat ng konti at pumikit ulit.

"Takte Chinno, gumising ka na! Baka may makakita pang iba!" sigaw ko habang inaalog siya.

Mumulat ulit at sandaling natigilan, maya maya pa ay biglang nagmura, "Tang*ina! May nakakita ba?"

"Wala ako lang, ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Natakot kagabi 'to eh, may multo daw sa kwarto niya. Balak ko lang pautulugin eh nakatulog na din pala ako."

Napatingin ako kay Pammy, buti nalang ang himbing pa ng tulog niya. Nasabi niya din kasi sa'kin na hindi siya makatulog ng maayos mula nung dumating kami dito.

"Bumalik ka na sa kwarto mo at dun ka matulog." Niyaya ko na siya lumabas ng kwarto at naisip kong asarin, "Ano bro? Nagkapote ka ba? Mahirap na, bata pa kayo."

"Namo!" sigaw niya sabay batok sa'kin. Tae! Masakit yun ah.

"Chinno?" biglang may nagsalita. Paglingon namin, nakaupo na si Pammy sa kama niya.

Lumapit si Chinno kay Pammy, "Matulog ka pa, konti palang ang tulog mo. Mga dalawang oras pa lang."

"Kayo? San kayo pupunta?" tanong niya at tumingin sa'kin.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa kama ni Arcee. "Sinusundo ko lang ang asawa mo. Baka may makakitang nandito kayo sa kwarto na magkatabi."

"Ahh.. nakatulog ka din?" tanong niya kay Chinno and he just nodded.

"Sige na, tulog ka na ulit. Hihintayin na lang kita makatulog ulit." patuloy ng bespren kong hilaw.

Humiga ulit si Pammy at tumalikod sa amin para matulog. Habang pinagmamasdan ko sila, naisip ko lang na tinamaan talaga 'to sa kaibigan namin. Ibang iba siya sa lahat ng chicks na binabae niya. Ibang iba din siya nung kay Alex, he did not exert effort at all when he was with Alex or kahit kung kanino man. Ngayon lang, kay Pammy lang.

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon