Chapter 22 - Backing Out

198 8 1
                                    

Pao.

Tae! Ang tagal ng byahe! Pag ganitong matagal akong mawawala, namimiss ko si May!

Napatingin ako kay Chinno. Baliw na 'tong kupal na 'to. Nakangiti habang nagtetext! Pamihadong si Pammy ang katext nito.

          "Kumusta ang may girlfriend?" tanong ko.

          "Siraulo! Baka marinig ka ni Sister Laura sa unahan." bulong niya na pasigaw.

Ay oo nga pala, may madre kami na kasama sa sasakyan. Kanina pa ko nagmumura dito takte!

           "Ano na? Kumusta na nga kayo?" tanong ko ulit.

Ngumiti lang ang loko. Yung nakakalokong ngiti! Tarantado talaga 'to!

          "Bahala ka nga!"

          "Kayo Tol? Kumusta kayo? Legal ka na ba sa kanila?" seryosong tanong niya.

          "Ang uwak pwede pang pumuti, kami hinding hindi magiging legal." Taenang 'to si Chinno! Kung ano anong tinatanong.

          "Ayaw mo bang maging legal kayo? Pumunta ka sa bahay nila, ipakita mong mahal mo siya."

          "Sino ba namang may ayaw? Syempre gusto ko din yun at sa totoo lang naisip ko na din yan. Pero sa tuwing maiisip ko na siya ang sasalo sa lahat ng galit ng mga magulang niya dahil sa ginawa ko, di bale na. Titiisin ko nalang i-deny niya ako ng harapan."

Hinihintay ko siyang sumagot pero hindi na siya nagsalita. Maya maya pa ay sumagot na din siya.

          "Plano ko na kasing magpropose sa kanya pagkagraduate natin ng highschool." seryoso niyang sagot.

          "Ano????!!!!!" sigaw ko.

         "Ssshhhhh! Mr. Uy, is there a problem?" tanong ni Sister Laura.

          "Ahh...hehe.. wala po sister, nanaginip lang po." sagot ko.

Pambihira 'tong so Chinno! Nabaaliw na ba 'to?

          "Nababaliw ka na ba? Para mo na ding ninakaw ang pagkakataon ni Pammy na makatapos ng pag-aaral." mahina kong sabi.

          "Proposal palang naman pare, after college pa ang kasal."

          "Kahit na! Disi-sais palang tayo bro, marami pang pwedeng mangyari. Pa'no kung may makita siyang iba? Pa'no din kung may makita kang iba? Ano? Itatali mo si Pammy? Ganon ka ba kadamot?"

          "Wala na akong ibang gustong pakasalan, siya lang." sagot ni Chinno at napatingin sa bintana.

          "Pwes matuto kang maghintay bro. Kung kayo talaga para sa isa't isa, kayo talaga. Kahit gaano ka pa katagal maghihintay."

Hindi na siya sumagot at sana naintindihan niya ko. Sana din masabi ko sa sarili ko ang sinasabi ko ngayon sa mokong na 'to. Yun din ang balak ko, kaya lang nagdadalawang isip pa ko.

Bahala na si Batman. Isama mo pa ssi Superman at si Wonderwoman.

Pammy.

Finally, after 48 years ay nakarating na kami sa Retreat House. Isa lang ang description sa lugar na ito... creepy, super creepy. Para siyang abandonadong school sa isang tagong lugar. From Baguio City proper kasi, one hour drive pa bago makarating dito.

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon