Undelivered Letter #3

221 9 1
                                    

Pammy,

Masakit pala manggaling sa’yo mismo na ayaw mo talaga sa akin. Sinabi mo ‘yun straight to my face at kitang kita ko kung gaano ka kasigurado.

Siguro kung natuloy akong magtapat sa’yo nung fiesta malamang, basted! Hehehe Sh*t. Sa kauna-unahang pagkakataon, basted ako. Hindi ko sasabihin na okay lang ‘yun. Hindi ko kayang mawala ang napakaliit.. oo, ang napakaliit kong chance na pinanghahawakan para magustuhan mo din ako.

Bakit ba ayaw mo sa’kin? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ko magustuhan. Lalaki ka ba nung past life mo? Joke lang.. hehehe

Paano ba kita makakalimutan? Si Rica kaya? Bakit ko ba sinabi sa’yo si Rica? Sa bagay, titigil na nga pala ako. Pero bakit nga ba ako titigil? Malamang dahil ayaw mo nga kasi sa akin. Pero kanina nung malungkot ka, gustong gusto kitang yakapin, pero p*cha! Hindi ko kaya.. natakot ako na baka hindi mo magustuhan kapag ginawa ko ‘yun. 

Nasisiraan na yata ako ng ulo.. oo tama. Nakita nga pala ni Pao yung mga sulat ko sa’yo. Mabuti pa siya, nabasa na niya. Badtrip nga! Kung hindi ba naman isa’t kalahating tukmol ang lechugas na ‘yun! Kinuha niya ang bag ko at naghanap ng ebidensya na may gusto ako sa’yo. Nabisto tuloy ako! Hindi bale, nablackmail ko siya. Sabi ko sasabihin ko kay May lahat ng kalokohan niya kapag kumalat ‘to. Hindi naman sa ayaw kong malaman ng lahat pero gusto ko manggaling sana sa’kin kapag nalaman mo.

Bipolar din nga pala si Pao. Para kasi nung fiesta ayaw niya na ligawan kita tapos nung nabasa niya ang mga sulat ko sa’yo, sabi niya tutulungan niya raw ako. Wala akong tiwala sa diskarte niya, takot din naman ‘yun sa’yo.

Desidido na talaga ako, ititigil ko na ang kalokohan na ‘to. Hindi na talaga. Friends na lang tayo.. dun tayo magtatagal. Sige friends.

Chinno

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon