Chapter 4 - Peace Offering

403 9 0
                                    

Grabe na talaga Si Chinno, ang sakit ng sinabi niya ah. Alam ko naman yun. Oo na! T@nga na kung t@nga! Pero does he really have to rub it in? Again, grabe na siya! That was a cheap shot!

Nakatulog na ko habang nagmumokmok sa sinabi ni Chinno nang biglang nagring ang cellphone ko.

            “Oh?” hindi ko na nagawang mag-hello. Bagong gising eh.

            “Nasaan ka na?” hyper na sagot ng babae sa kabilang linya.

            Antok na antok pa ko kaya hindi ko na nagawang tingnan kung sino ang tumatawag.

            “Uhhmmmm….”sagot ko sabay hikab.

            “BFF bakit tulog ka pa??? Sayang ang load ko! Gumising ka na! Kanina pa kami nandito kina Pao. Kung hindi lang mainit maglakad, pumunta na ko diyan sa inyo! Ikaw nalang ang kulang di…” biglang naputol ang linya.

Umaga na pala. Anong oras na ba? Huwaaaat??? 10:30 na! Kaya pala nagsusuper sayann na si BFF, 9:00 ang usapan. Hehehehe Nawala sa isip kong magpagising kay Tita Connie kahapon ng maaga.

Si Tita Connie na ang tumayong mom ko ever since my real mom died. 7 years old palang ako, wala na kong mommy. Kapatid siya ng mommy at sa iisang compound lang kami nakatira. Alam niya lahat – from my insecurities, personal problems, yung masasama kong ugali at yung paghabol-habol ko kay Eric. In short, she knows me inside and out. Wala akong maitatago sakanya, lahat alam niya.

Siguradong madami nang tao sa ibaba, mga bisita ng daddy. Nakalimutan kong sabihin na Fiesta nga pala sa amin ngayon at may sleep over din kami kina Pao. Haaay… patay na naman ako sa kanila at walang may ibang kasalanan dito kung di Christopher Zambrillo Razon na naman!

Dumating ako kina Pao and like I expected, napagalitan ako :’(

            “Maaga ka pa para bukas BFF!” sabi ni Alex. Naghihintay siya sa labas ng gate ng house nina Pao.

            “Sorry na. Hindi ako nagising eh.”

            “Hindi nagising..pftt! Excuses.”

            Di bale ganyan naman talaga si Alex. Hinding hindi ako matitiis niyan. Bigla ko nga pala naalala yung sinulat ni Chinno sa Math Book niya. Alam na kaya niya? Alam niya na kaya na may bago na si Chinno?

            “Huy BFF..” sabi ko kay Alex. Nasa may gate pa rin kami. “.. nagusap na kayo ni Chinno?” Narinig kong medyo hesitant ang tono ng boses ko. I need to be careful on how to comfort Alex. Alam ko kasing gusto niya si Chinno kaya lang takot siyang masaktan ulit. Ang bata bata pa namin, grabeng trauma na ang naranasan niya sa first boyfriend niya. Nakabuntis at napikot habang sila pa. Haaayyy… >.<”

            “Tungkol saan? Na may iba na siyang gusto?’ tanong niya. Sa unang pagkakataon, hindi ko mabasa ang nasa isip niya.

            “Uhhh.. oo?” sagot ko.

            “Nag-usap na kami kagabi. Pumunta siya sa bahay at we've talked about it.” Kitang kita ko ang lungkot sa mata ng bestfriend ko. Walangyang Chinno na yan talaga! Sarap niyang itorture forever!

            “Kumusta ka?” seryosong tanong ko.

            “Nanghihinayang ako sa totoo lang at masakit, syempre pero kilala mo naman siya. I already expected na hindi niya kayang maghintay hanggang maging okay ako. So ayon.. wala na. Ganon talaga and besides, he never fails to disappoint me.”

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon