Chapter 1 - St. Rafael High

1K 17 0
                                    

Pammy.

 

“Grrrrrr!!!!” sabi ko pagdating ko sa classroom. Namumula na naman ako sa galit. Bakit ba kasi ganon yung tao na yun? Bwiset talaga siya! Bwiset! Umupo ako sa upuan ko at nagbukas ng libro.

“Bakit tanghaling tapat ang init ng ulo mo?” tanong ng classmate kong si AM. Siya si Ana Maria Ricardo and  ang masasabi kong close to being my bestfriend. Kung wala akong bestfriend sa ngayon, malamang siya na yun. Matangkad siya, balingkinitan at maganda, yun nga lang ubod ng kaartehan sa katawan. Vain in short at conscious sa hitsura niya palagi.

“Si Chinno kasi sinira na naman ang araw ko!” sagot ko.

Si Christopher Zambrillo Razon ang pinakapetiks na taong kilala ko. Petiks. Meaning tamad, gusto lagi walang ginagawa at free rider all rolled up in one. Nasa iisang barkada kami actually, we just have one group of friends. Mabait naman siya dati at nagkakasundo naman kami pero ang hindi ko maintindihan eh kung bakit wala siyang ginawa lately kung di bwisitin ako. Ang yabang yabang niya akala mo kung sinong gwapo! Pero teka.. ahhm.. gwapo naman talaga siya at maraming babae dito sa school na nagkakandarapa sakanya. Tsk tsk tsk. Matangkad kasi, siguro mga 5’9”. Maputi at makinis ang balat, vain kasi. Bakit ko nasabing vain? May sarili lang naman siyang kikay kit sa bag niya. Mapula ang labi at mapungay ang mga mata niya. Sabi ng karamihang babae dito sa campus, nakakatunaw daw kung tumingin. Parang di naman! >.<  Aside from having good looks, ang isa pang nakakadagdag sa appeal ni Chinno sa mga babae ay ang pagiging tahimik niya, walang imik at misteryoso. Pero kahit ganon, nakakapagtakang papalit-palit siya ng girlfriend. Halos every month mayroong bago. Ano kayang nakita nila dun? There is sooooo much more than what meets the eyes kaya.

“Eh ano ba kasing ginawa niya?” tanong ni AM.

“Hindi ka ba mabwibwiset na tawagin kang Miss Piggy ng pasigaw sa canteen?!” pasigaw kong sagot.

“Yun lang naman pala eh.” natatawang  sagot ni AM.

“Anong yun lang?! Badtrip kaya!” naiinis kong sabi. Super sensitive ako pag sinasabing tumataba ako. Nalulungkot ako dahil nag-effort talaga ako na pumayat. When I was a kid, super taba ko kaya ganon nalang ang impact sa akin kapag sinasabing mataba ako.

“Sus! Kala ko naman kung anong ginawa niya, yun lang pala. Mabiro lang talaga yun noh! Way niya yun maglambing sayo. Over ka sa pagkasensitive Pammy these past few days.” parang nadismayang sagot ni AM.

“Araw-arawin ba naman niya eh hindi ka pa mabwiset don? Tska asan ang sweet don?” tanong ko ulit na sumisigaw. Parang wala na kong ginawa ngayong araw na ‘to kung di sumigaw. Si Chinno kasi! Arrggh!

“Oh di ba nung isang araw binigyan nila tayo ng Frosty? Tig-iisa pa nga tayo eh.” katwiran ni AM.

Oo, naalala ko yun pero ang alam ko hindi nila pera ang ginamit sa pagbili ng mga Frosty. Sabi ni Pao, tinatamad daw sila bumalik sa classroom para kumuha ng pera kaya naman hiningan nalang nila ng tig-lilimangpiso lahat ng babae na may crush sa kanila. Akalain mong nakabili pa sila ng lunch pareho galing sa kotong nila! Imba talaga!

Si Dan Paolo Uy ang bestfriend ni Chinno. Mas nauna ko siyang naging kaibigan kasi we live in the same neighborhood, halos magkapitbahay kami. Ubod din ng babaero si Pao kasi naman ubod din ng gwapo. Lahat ng babae na nagustuhan niya, napapasagot niya. Pero hindi katulad ni Chinno, meron siyang steady girlfriend na sa school din namin nag-aaral. Anak si Pao ng kilalang surgeon sa lugar namin and he used to study in the States.

“Hindi naman nila pera ang ipinambili nila dun eh, budol nila ni Pao yun!” sabi ko.

“Pero kumuha ka parin di ba?”

“Oo.”

“Kitamz?” sagot ng kausap kong abogado ng lalaking kinaiinisan ko kanina pa.

“Sige na, oo na!” sigaw ko na may bahid ng pagkatalo.

Dumating na ang mga classmates namin from Lunch at pumunta na sa kani-kanilang grupo habang wala pa ang teacher namin. Isang section lang ang buong 4th year ng St. Rafael High. Kami kasi ang pioneer batch ng Highschool nila dito. Bilang isang Catholic School na pinamamahalaan ng mga madre, napakalaki ng expectations nila sa amin bilang mga pioneers. We have the responsibility to carry the name of our beloved school. Hayyy… pressure’s on us. >.<"

Ang 4th year ay nahahati sa iba’t ibang grupo and 43 kami lahat. 21 girls and 22 boys.

Ang nasa bandang unahan ng classroom ngayon ay ang grupo nina Thirdy, ang aming top student. Kahit running for honors ako wala naman naging problema sa amin ni Thirdy bagkus ay magkasama pa nga kaming nag-aaral. And besides, Thirdy is happy and gay kaya naman click kami. Ang grupo ni Thirdy ang mga born leaders ng school, sa lahat ng oras na may event, sila ang nag-oorganized.

Meron din naman sa klase na tinatawag na Game Boys, ang samahan ng mga mahihilig sa Computer Games at Online Games. Wala silang ibang pinagusapan buong araw kung di puro Computer Games and pag vacant time naman namin, lahat sila tutok sa kanilang mga gameboys.

Yung grupo naman namin nina AM ang pinakamaraming members. Aksidente lang kung bakit kami nabuo, isang gabing inuman sa bahay nina Pao and then nagclick na agad kami. We are 17 in total, 12 are girls and the rest are boys. Wala kaming particular na description. Lahat kasi mayroon sa barkada namin. Mayroong artist, beauty queen, singer, dancer, novelist, heartthrob, athlete, honor student at kung anu-ano pa.

Isa pang grupo sa 4th year ay ang grupo ng mga varsity players. Sila yung usually makikita mo sa school gym at nagbabasketball. Tuwing may project na ipa-pass, sila yung makikita mong magpapatulong dahil wala sila sa classroom noong pinag-aralan yun, nasa practice.

The rest naman is either grupo ng mga magagaling kumanta or mga free lancer, kahit kanino sumasama.

Ang ingay namin ngayon... tawanan, daldalan, landian at kantahan. Ganyan ang natural na set up ng classroom namin habang wala pa si Mrs. Perez, ang pinakakinatatakutang teacher sa St. Rafael High. Kung tatanungin ako, hindi naman talaga nakakatakot si Mrs. Perez, strikto lang talaga.

Dumating si Mrs. Perez 30 minutes bago matapos ang period niya. Sigurado akong masayang masaya na naman sina Chinno kasi isang buong oras silang petiks. Haaay naku.

“Igugrupo ko kayo para sa mga darating na activities at ako ang magsasabi kung sino ang magkakagrupo para walang maleft out.” sabi ni Mrs. Perez.

Habang pinapaliwanag ni Mrs. Perez ang mangyayari sa mga sumusunod na araw ay may dumating na Math Book sa desk ko na inabot ni AM. Binuksan ko ang libro. Christopher Zambrillo Razon.

“Bakit mo binigay sakin ‘to?” mahinang tanong ko kay AM.

“Buksan mo daw sa likod.” pabulong na sagot niya.

Binuksan ko ang likod ng libro,

            Pammy,

                       Bakit ganong ang bestfriend mo?

                                                                        Chinno          

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon