Chapter 3 - The Crying Ladies

402 11 0
                                    

Ang bilis ng araw, patapos na naman ang week. Friday Happy day sana ang araw na ito pero syempre pwede ba namang palampasin ng bwiset na lalaking yon ang araw na to? Bakit kasi hindi niya ako patahimikin! Baka gusto niyang siya ang manahimik habangbuhay! Buong umagang Miss Piggy ang tawag niya sakin. Bwiset talaga!

Lunch time na. Nasa usual na pwesto namin kami, sa kiosk. Feeling ko mga siga kami pag lunch kasi kung sino mang naunang nakapwesto dun, umaalis or di kaya naman lumilipat sa ibang table. Bakit kaya? Hmmm...

Teka… alam ko na! Haaayy naku.. nakalimutan kong mga heartthrob sa school ang mga kabarkada ko. >.<”

Napansin kong hindi sumama sa amin si Mommy Cha para maglunch, naiwan pa rin siya sa classroom. Bumalik ako sa room at pinuntahan si Mommy Cha and there I witnessed ang isang pagtatalo:

            “Ano magsalita ka? Anong ibig sabihin nito?!” sabi ni Mommy Cha na hawak ang isang cellphone. Kausap niya ang boyfriend niya, si RJ na classmate din namin at isa sa mga teammates ni Eric sa basketball.

            “Juan Rodrigo Jr. magsalita ka!!!” patuloy sa pagsigaw si Mommy and this time I saw tears falling from her eyes.

            “I don’t have anything to say. I’m sorry.” sabi ni RJ na nakatungo.

Biglang sinampal ni Mommy Cha si RJ sa pisngi at tumakbo ito palabas ng classroom. Hinabol ko siya hanggang sa kabilang building at naupo siya sa isa sa mga covered swings doon. Umupo ako sa tabi niya.

            “Mommy Cha, are you okay.” ang cliché ng sinabi ko. Of course, she is not okay! Haay Pammy, ano ka ba? (-.-‘)

            When she saw me, she hugged me and cried. Huhuhu Mommy Cha. (T.T)  Habang nakayakap pa rin siya sakin, tinanong niya ko:

            “Bakit siya ganon? Anong kulang sa akin? Hindi ba ako sapat?”

Seeing her reaction to what happened, hindi ko na inalam kung anong nangyari. Isang tao lang ang pinag-aawayan ni Mommy Cha at RJ, at sa isang tao lang din siya nagkakaganito. Before they got together, may long time girlfriend si RJ na taga ibang school. Siguro mga three years din sila nung girl and I forgot her name. Wala akong masabi so I just hugged her back.

            “Ano Mommy Cha upakan na namin?” tanong ng isang lalaki. Napatingin kami pareho ni Mommy Cha and saw him na nakahalukipkip.

            “Huwag na Chinno. Mahal ko pa rin yun kahit babaero. Parang ikaw din lang yun.” sagot ni Mommy Cha.

Mukha siyang nagulat sa sinabi ni Mommy cha at napahawak sa batok niya. Napahiya yata ang loko. Tama naman si Mommy Cha eh. Kung uupakan niya si RJ eh di upakan niya nalang din ang sarili niya.

Naupo si Chinno sa isang side ng covered swing. He started swinging at nahilo ako. Mahilohin talaga ako, simpleng biyahe lang from school pauwing bahay nahihilo na agad ako sa service. Mga 15-minute drive lang yun ha. Haaayyy...

            “Huy tigilan mo yan at nahihilo na ako?”  pakiusap ko. Promise. Nahihilo na talaga ako. And then he did a devilish smile at hininto ang swing. Akala ko hindi na siya hihirit pero biglang:

            “Mas okay nga yon. Kapag nasuka ka eh di mababawasan taba mo sa katawan. Di ba Miss Piggy?” habang nilapit niya ang mukha niya sakin at nag-wink. Bigla akong natulala habang nakatingin sa kanya. Ang kinis naman ng lalaking ‘to. Walang blemishes at ang pula ng labi. Teka… ano ba tong sinasabi ko??? Snap out of it Pammy!

Ano ba yan?! Biglang pinawisan ang kili-kili ko! Tinulak ko siya para sa personal space at napaupo siya.

            “Hoy lalake! Umayos ka nga! Kita mong problemado nga si Mommy Cha ngayon!” sigaw ko sakanya while pointing at Mommy Cha.

            “Eh kasi naman Mommy Cha, madali lang yan. Hiwalayan mo, problem solved.” sabi ni Chinno habang kinukuha ang cellphone sa bulsa niya.

            “Hindi ko din kasi kaya… mahal ko talaga.” sagot ni Mommy Cha.

            “Madali lang din yan… huwag mo siyang mahalin.” sabi niya na walang kahit isang emosyon. Naglalaro na siya ngayon gamit ang cellphone niya.

            “Huy Chinno, ano ka ba? Hindi madali yun” sabi ko. “Kapag nakipagbreak ka eh hindi lang bad memories ang igigive up mo. You will also have to say goodbye to the good ones.”

            “Madali lang din yon. When you force yourself to forget someone, pati good memories mawawala na. Problem solved. Hindi ka na masasaktan.” katwiran niya.

            “Hindi madali yon. Kaya nga “forcing yourself”  sabi ko with the hand gesture ng quote-unquote.

            “It will always be HER choice.” sabi niya na tumingin saglit kay Mommy Cha and then bumalik sa paglalaro.

            “Eh Chinno kasi palibhasa madali lang para sa isang PLAYBOY na katulad mo ang makalimot. You guys are used to playing with people’s emotions kaya balewala na lang sa inyo ang makasakit.” medyo nagtaas ako ng boses at may emphasis sa word na playboy.

            “Eh ano ba kasing alam mo?” sabi niya and this time nakatingin na siya sa akin. He looked amused ngayon na naiirita na niya ako. “Nagkaboyfriend ka na? May nagmahal na ba sa’yo? Wait scratch that, alam mo ba ang feeling na mahal ka din ng mahal mo? Hindi pa di ba? Eh umaasa ka lang naman sa taong hindi ka gusto di ba? And besides… “

            *SLAP*

Sobra na siya. Masakit yon. Saksak puso, tulo ang dugo.

            “Kapal ng mukha mo! How dare you judge me? You. don’t. know. me.” sabi ko sa kanya while poking his head.

Naiiyak ako pero hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa kalaban.

            “ Mommy Cha, una na ko.” I’d rather leave kesa magstay na kasama ang lalaking yan.

            Habang papalayo ako narinig ko si Mommy Cha. “Chinno below the belt ‘yon! Magsorry ka dun ah tiyak nasaktan mo yun.”

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon