Chapter 32 - Ang linya ni Basha

243 10 2
                                    

Author'note:

I hope all you guys had an awesome Christmas! ^_____^ ♥♡♥♡

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★☆★★

Hindi siya tumawag, hindi din siya nagtext. I was hoping he would, but he didn’t. Sunday pa naman ngayon at hindi ako mapakali sa bahay. Nakadalawang mass na ko para hindi siya maisip but to no avail.

Namimiss ko siya ng sobra pero kelangan ko siyang tiisin. He needs to know that what he did was not okay, simadya niya man o hindi. I decided na magyaya ng gala, kelangan ko ng tao. I texted Alex, 

Pammy: Tambay? Pnta ko jan.. 

Alex: Lakwatsa nlang.. text q yung iba. 

Pammy: Sige.. sn b? 

Alex: Coffee, baywalk, 1 pm? 

Pammy: Sige go.. see you. :) 


Maya maya pa, natanggap ko na ang text brig ni Alex. 

                Guys.. Tambay! Kape! 1PM! Baywalk! See you. ^_______^ 

Naligo na ko para maghanda, tutal magaalas-dose na naman. Nagring naman bigla ang phone ko at dali dali kong tiningnan kung sino. Medyo na-disappoint ako nung nakita ko na si Pao pala ang tumatawag. Asa ka pa Pammy! Hindi tatawag yun! 

Pammy: Pao?

Pao: Pammy! Pammy Pammy!

Pammy: Ay ang kulit! Bakit?

Pao: Hehehe Sorry, sama ka mamaya?

Pammy: Sa Baywalk? Oo, ako nga ang nag-aya nun.. si Alex lang pinatext ko.

Pao:  Good. Sunduin kita, dala ko kotse.

Pammy: Buti pinayagan ka..

Pao: Sinabi ko kasing group project at hindi ka papayagan na sumakay sa motor. Hahaha

Pammy: WALANGYA KA PAOLO!!! AKO PA ANG DINAHILAN MO!

Pao: Hayaan mo na, mahal mo naman ang bestfriend ko. 

Natahimik ako sandali at parang tinutusok unti unti ang puso ko. 

Pao: Pammy? Andiyan ka pa?

Pammy: Oo andito pa.

Pao: Ligo ka na, see you in a few.

Pammy: Okay sige.  


Pupunta kaya si Chinno? Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong pumunta siya. Kahit galit pa rin ako, gustong gusto ko siyang makita. 

Dumating na si Pao at umalis na kami. Pagdating namin sa Baywalk, nakatambay na yung iba.

                 “San na yung iba?” tanong ni Pao. 

Konti pa lang kami nandito – si AM, Erin, Alex, Adrian,  Ice, si Pao at ako. 

                “Kayo na lang ang hinihintay, hindi pwede yung iba. Papunta na din si Julie.” sagot ni Adrian.  

                 “Talaga? Kelan siya dumating?” tanong ko.

Si Julie yung long time girlfriend ni Adrian. Naging exchange student siya sa Japan for 3 months at kahit hindi namin siya schoolmate, naging kaibigan na din namin. At oo nga pala nakalimutan kong sabihin magpinsan sila ni Chinno. Magkapatid ang mom nilang dalawa.

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon