Dara
Pinagmamasdan ko yung mga bagong tayong buildings mula sa bintana ng van. Ang laki at ang ganda ng pinagbago ng South Korea mula nung umalis ako. Kinuha ko yung phone ko para kuhanan ng litrato ang sarili ko at background ko naman ay yung labas.
Pagkatapos kong kuhanan ng litrato ang sarili ko ay in-upload ko sa instagram yung litrato ko na may caption na:"Dohla-on Guhl Hwanyeongheh, Dara." (Welcome back, Dara) (a/n: Not sure if that's the right korean translation. Same with the other korean phrases I will use.)
Ilang segundo palang ay dumami agad ang nag-comment at nag-like ng picture ko. Maraming nag-comment ng "welcome back, unnie/noona" at marami rin ang nag-comment ng "omg! I smell a comeback!"
Napangiti ako. Na-miss ko ang blackjacks at ang wagas na suporta nila samin. Buti nalang at di nila kami iniwan kahit dalawang taon kaming nawala. Di bale, nangako ako kay Papa YG na aayusin namin ang trabaho namin. Para rin to sa mga blackjacks. Kaya naman ay ginaganahan na ulit akong magtrabaho ulit.
Nakarating na kami sa destinasyon namin. Bumaba na ako at dali-daling naglakad papunta sa malaking pinto ng aming dorm. Ang dorm namin ay hindi gaya ng ordinaryong dorm ng ibang idols. Yung amin kasi mukha nang mall sa sobrang laki. Mala-mansion ang dorm ng 2ne1 gaya ng dorm ng ibang YG artists. Oh well, mayaman si Papa YG at gusto niya na maayos, masaya at malulusog ang kanyang mga alaga.
Kumatok na ako sa pinto at agad iyong binuksan ni Bom eonnie na nanlalaki ang mata sa gulat.
"D-darong I mean Dara? Omg!!!" Agad niya akong niyakap nang masiguradong ako nga si Sandara Park. Natawa ako sa kinilos niya at niyakap siya pabalik.
Pinapasok niya ako at tinawag ang iba.
"Omo! Dara unnie!" Tumakbo papunta sakin si Minzy at niyakap ako.
"Annyeong ha siut seum ni ka, Dara? (How are you, Dara?)"
Lumingon ako sa nagsalita at ngumiti," Jal jinaeyo. (Fine, thank you)" Lumapit din si Chaerin sakin at niyakap ako.
"Finally! Buo na ulit tayo!" Masayang sigaw ni Bom unnie at nakiyakap na rin sakin.
"Na-miss ko kayo! At dahil na-miss ko kayo, tutulungan niyo akong ayusin ang mga gamit ko." Sabi ko tsaka pinakita sa kanila ang limang maletang bitbit ko.
"Ang dami! Dinala mo ba yung buong bahay mo diyan eonnie?" Tanong ni Minzy habang kumakamot sa ulo. Ngayon ko lang napagtanto na ang dami ko ngang dala.
Tinulungan nga nila akong iakyat at dalhin yung mga maleta ko sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ay tumakbo ako papunta sa kama at dumapa doon.
"Na-miss ko tong malambot kong kama."
"Hahaha! Para ka paring bata kung kumilos, Dara." Natatawang sambit ni Chaerin.
"Na-miss ko kasi talaga dito. Lalo na kayo."
"Aww. Ang sweet naman. Kwento ka naman. Kumusta ang pamumuhay sa Pilipinas sa loob ng dalawang taon?"
Believe it or not, walang nakaka-alam na nasa Pilipinas ako. Kaya nga ang daming nag-aakala na tumigil na ako sa pagiging k-idol. Wala kasi akong pinaalam na nasa Pinas ako bukod sa pamilya ko at sa YG. Nasa tagong parte kasi ako ng Pilipinas namuhay. Medyo nabagot ako dun pero kinaya ko.