A/N: Oh yes author-nim is back! Pero sorry parin kasi wala na kong balak ituloy yung missing chaps nito so i'll post the epilogue.
PPS: Dont hate me :D
Chanyeol
3 years later...
"Appa, the paper should be pink para mas maganda."
"No daddy, it should be white!"
"Dada! Dada!"
Hinimas ko yung noo ko at binuhat si baby Yoda. Kanina pa kasi umiiyak at ayaw tumahan. Tapos yung dalawa nagtatalo pa kung anong kulay ng papel ang gagamitin.
"Chandria, Moon, wag kayong mag-aaway diyan. Babalik din ako." Tumango naman silang dalawa pero paghakbang ko palang ng hagdan naririnig ko na nagsisigawan na naman sila.
"Ako nang bahala." Sabi ni Kris hyung na bumababa mula sa hagdan at may dalang iba't-ibang kulay ng papel. Lifesaver talaga to.
Tumingin ako sa orasan at nakitang ilang minuto na lang ay aalis na kami.
"Teka hyung, bihisan mo naman si Moon. Nasa pink box sa may kama niya yung isusuot niya. Paliliguan ko lang tong si Yoda. Mabilis lang. Paki-ipitan din si Chandria, nakaligo na yun. Salamat hyung!" Tumango nalang si Kris at pinuntahan sina Moon para asikasuhin sila.
"Chanyeol matagal pa ba yan? Baka ma-late tayo sa presscon!" Rinig kong sigaw ni hyung mula sa labas ng kwarto kaya nagmadali na akong ayusan tong si Yoda. Nahirapan lang ako kasi iyak parin siya ng iyak. Pagkatapos nun ay lumabas na ako. Nandun na ang dalawa kasama ni Kris. Bihis na bihis pero nakasimangot na.
Pero si Moon ang pinakanakasimangot. "Daddy you're so tagal!"
Ngumiti ako sa kanya habang dinuduyan sa mga braso ko si Yoda na may iniinom sa chupon niya. "Ang sungit sungit talaga ng anak ko." Naka pout ba naman tapos nakakunot yung noo. Manang mana sa pinagmanahan eh.
Umalis na kami at pumunta sa SM building sakay ng kotse ni Kris hyung. Gaya ng sabi niya, may presscon kami tungkol sa comeback ng grupo at sagutin ang ilang issues namin na hanggang ngayon ay hot topic parin.
Pagbaba namin sa kotse, dinagsa kami ng media at fans. Hinigpitan ko ang pagkakakarga ko kay Baby Yoda habang si Kris naman buhat buhat si Moon at nakahawak ng mahigpit kay Chandria. Buti nalang at may mga guards na nag alalay samin para makapasok ng ligtas sa building.
Nakapasok na rin kami sa wakas. Sakin naman kumapit yung dalawa dahil tinawag si hyung ng isang staff. Umakyat na kami sa floor namin at dun kami sinalubong ng iba't-ibang SM artists.
"Omg! Chanyeol si Yoda na ba yan? Ang gwapo hihi. Ang laki rin ng tenga mana sa dad niya!" Excited na lumapit si Taeyeon noona at inagaw sakin si Yoda.Pinagkaguluhan siya ng SNSD, f(x) at RV.
"Omg! Ang ganda ni Moon at Chandria! Dito muna kayong dalawa dali!" Tapos hinila na rin nila yung dalawa kong anak.
"Yah! Wag niyo silang panggigilan masyado. Lalo na si Chandria! Hay nako." napailing nalang ko at pinuntahan yung mga hyungs ko at ang grupo ko na nasa isang tabi.
"Bro, kumusta? Long time no see ah?" Bati sakin ni Yunho hyung.
"Oo nga?" Singit naman ni Onew hyung.
"Eto, medyo nahihirapan kasi tatlong mini Chandara Parks ang inaasikaso. Hehe." Napahawak nalang ako sa batok ko na masakit dahil sa pagbubuhat ko lagi kay Yoda na sobrang bigat.