B

250 14 1
                                    

Dahil sa mahilig akong magluto pero paulit-ulit na ang niluluto ko, nag-effort pa akong sunduin si Kyungsoo mula sa dorm papunta rito sa aming munting tahanan. Magpapaturo ako sa kanya para magluto ng paboritong pagkain ni jagi. Mahilig akong magluto pero di naging maganda yung kalabasan nung ginawa kong breakfast dati para kay jagi. Sunog na bacon at undercooked egg. Si Baekhyun hyung kasi natawag nun kaya na-distract naman ako.

Habang nagluluto, pinag-uusapan namin ang tungkol sa buhay ng isang virtual husband.

"Masaya maging virtual husband pero mahirap din kasi wala naman akong alam tungkol sa pag-aalaga ng bata. Wala naman kasi yatang seminar para sa ganun. Pero it's a fun experience na gusto kong totohanin."

"Tinapon niyo nga yata yung script eh kasi parang totoo na yung lahat." Syempre totoo, kasi totoong mahal namin ang isa't-isa. Minsan scripted pero madalas hindi. Ang di lang naman totoo ay yung kasalan eh. Si Chandria parang totoong anak na talaga namin.

Balak nga namin siyang ampunin na dahil sabi ni Papa YG na sa isang bahay ampunan na nanirahan si Chandria simula pagkabata. Dahil pagkanak na pagkanak palang sa kanya, inabanduna na siya ng pamilya niya.

"Kamusta si Chandria?" Pati ang EXO at 2ne1 na-attach na kay Chandria kahit 2 linggo palang siya sa amin. Sino ba naman ang hindi mapapamahal sa isang cute, masiyahin at mabait na bata tulad ni Chandria?

"Ayos na ayos naman siya. Alagang alaga ng eomma niya. Miski alikabok hindi pinapadapo sa balat ni Chandria aegi." Dahil syempre ngayon lang namin naranasan ang magka-anak, nasa kanya ang buong atensyon namin. Kaya naman baka ma-spoil na namin siya.

"Matanong lang, ayaw niyo ba ng totoong anak? Hindi sa inaano ko si Chandria kasi alam kong anak niyo na talaga yun pero diba iba rin yung pakiramdam pag galing talaga sa dugo niyo."

"Syempre gusto ko. Pero ayokong madaliin si jagi. Baka may mangyari na naman na ayoko ng mangyari." Diba sabi nila pag minamadali ang mga bagay, hindi maganda ang resulta nito? Parang sa pag-ibig. Kapag minadali mo at di kayo siguradong dalawa, malamang mabilis ang ending ng love story niyong dalawa.

Dahil sa isang relasyon, di lang dapat puso ang pinapa-iral. Dapat marunong kang mag-isip muna ng maigi. Pag-isipan ang mga bagay bagay. Mag-emote pag may time.

"Tapos na to. Tawagin mo na sila." Tinanggal ko ang apron ko at pagkatapos tulungan si Kyungsoo na maghain umakyat na ako at kumatok sa pinto ng kwarto nila.

Si Chandria ang nagbukas ng pinto. Kinukusot kusot niya pa ang mga mata niya kaya binuhat ko siya at hinilamusan sa may banyo. Pagkatapos ay pinababa ko na siya.

Pinuntahan ko naman si jagi na mahimbing na natutulog. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. Gumalaw naman siya ng kaunti pero hindi pa siya nagising.

"Jagiya, gising na." Binaon ko yung mukha ko sa leeg niya and planted small kisses there.

"Chanyeol-ah, nakakakiliti." Mahina at medyo garalgal pa ang boses niya kasi nagising ko na siya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at hinalikan siya ng matagal sa pisngi.

Ramdam ko naman na nakahawak ang isa niyang kamay sa baba ko at humarap na siya sakin.

"Goodmorning jagiya." Nakangiti niyang bati at niyakap din ako. Nakakakilig pala talaga yung ganito. Kayakap mo sa kama yung taong mahal mo.

"Ayoko ng umalis. Ganito nalang tayo." Tumingala naman siya para makita ako.

"Kung pwede lang. Kaso may anak tayong kailangang asikasuhin." Napasimangot naman ako ng bahagya. Gusto ko sanang isama muna ni Kyungsoo si Chandria pag-uwi niya para ma-solo ko kahit ngayon lang so jagi. Kaso nasa script na ngayong araw, dadalhin ko sa dance practice namin si Chandria kasama ni jagi.

You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon