A/N: Magiging hiatus muna ang story na to and I think you know why kaya eto muna yung ud ko.
♡♡♡
Chanyeol
Tumakbo ako papunta kay Donghae hyung pagpasok ko sa practice room ng Super Junior. Siya lang yung nandoon at imbes na nag-prapractice kumakain siya mag-isa. Ganda ng trip nito ah.
"Hyung, tulong naman oh. Misiki text di niya pinapansin." Napatawa naman si hyung habang nakatuon parin ang kanyang pansin sa kinakain niya. Tinabihan ko naman siya at nilabas yung phone ko tsaka ko inabot sa kanya.
"Basahin mo mga texts ko. Mukha bang sasaeng ang nag-tetext sa kanya?"
"Pfft! Hahaha! Oo ang creepy mo dude." Aniya tsaka binalik yung phone ko.
Hi hello na nga lang tinetext ko sa kanya eh. Mukhang sasaeng ba?
"Hay...pano ko ba siya makikita at makakausap?" Malungkot kong bulong sa sarili.
Ting!
Humarap ako sa kanya,"Hyung..." Ni-poke ko siya tsaka ako nag-derp.
Sumulyap siya sakin,"Tigilan mo ko, Chanyeol. Ang pangit mo."
"Hyung..." lalo kong nilapit yung mukha ko sa kanya habang naka-derp face parin.
"Aish. Tumabi ka. Lalo kitang hindi tutulungan."
"Jebal? Jebal? Jebaaaal!!!"
He sighed in defeat at binaba yung pagkain niya.
"Arasso arasso. I'll help you."
"Yes!!!" Napangiti ako at niyakap siya.
"Thank you hyung! I love you!"
"Oo na. Tama na kadiri ka."
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya kaya inayos niya yung buhok niya na ginulo ko.
"Wag mo na akong yakapin ng ganun ha. Nagmumukha kang bakla." Tapos tumayo siya para kunin yung tubig niya.
"Magbihis ka." Utos niya.
"Bakit nakahubad ba ako?" Tanong ko. Tiningnan niya ako ng masama kaya ngumiti ako.
"Di ka talaga mabiro hyung! Magbibihis na po! Teka, san ba punta natin?"
"Edi para makipag-kita kay noona." Aniya at may tinawagan sa phone niya. Agad akong tumakbo palabas at pauwi ng dorm.
Kailangan sobrang pogi ko para ma-attract ulit sakin ang Dara ko.
Dara
"Hahaha!" Natigil kami sa pagtawa nang mag-ring yung phone ko.
Oh, si Donghae pala. Namiss ko tong poging to eh. Agad kong sinagot yung tawag niya.
"Oppa!" Masaya kong bati sa kanya. Tiningnan naman ako ng tatlo na wari ay nagtataka kung sino ang kausap ko at bakit ang saya ko.
Kaibigan ko kasi si Donghae at fanboy ko yan. Naging close kami dahil madalas ko siyang nakakasama mag-host sa mga music shows. Isa siya sa mga kaibigan ko sa Super Junior. Oppa ang tawag ko sa kanya kahit mas matanda ako. Tinatawag ko kasing Oppa yung mga kaibigan kong lalaki na close ko kahit mas bata pa sila sakin.