Part II

289 16 5
                                    

NOTE: PART 2 HAS MISSING CHAPS. IN SHORT DI TAPOS ANG PART 2 PERO NAKA-POST NA ANG EPILOGUE. AT PURO PROMOTION LANG HALOS ANG NASA DULO NG PART TWO OKAY?





































"Teka hyung, bihisan mo naman si Moon. Nasa pink box sa may kama niya yung isusuot niya. Paliliguan ko lang tong si Yoda. Mabilis lang. Paki-ipitan din si Chandria, nakaligo na yun. Salamat hyung!" Tumango nalang si Kris hyung at pinuntahan sina Moon para asikasuhin sila.


"Chanyeol matagal pa ba yan? Baka ma-late tayo sa presscon!" Rinig kong sigaw ni hyung mula sa labas ng kwarto kaya nagmadali na akong ayusan tong si Yoda. Nahirapan lang ako kasi iyak parin siya ng iyak. Pagkatapos nun ay lumabas na ako. Nandun na ang dalawa kasama ni Kris. Bihis na bihis pero nakasimangot na sila.


Pero si Moon ang pinakanakasimangot. "Daddy you're so tagal!"


Ngumiti ako sa kanya habang dinuduyan sa mga braso ko si Yoda na may iniinom sa chupon niya. "Ang sungit sungit talaga ng anak ko." Naka pout ba naman tapos nakakunot yung noo. Manang mana sa pinagmanahan eh.


Umalis na kami at pumunta sa SM building sakay ng kotse ni Kris hyung. Gaya ng sabi niya, may presscon kami tungkol sa comeback ng grupo at sagutin ang ilang issues namin na hanggang ngayon ay hot topic parin.


Pagbaba namin sa kotse, dinagsa kami ng media at fans. Hinigpitan ko ang pagkakakarga ko kay Baby Yoda habang si Kris naman buhat buhat si Moon at nakahawak ng mahigpit kay Chandria. Buti nalang at may mga guards na nag alalay samin para makapasok ng ligtas sa building.


Nakapasok na rin kami sa wakas. Sakin naman kumapit yung dalawa dahil tinawag si hyung ng isang staff. Umakyat na kami sa floor namin at dun kami sinalubong ng iba't-ibang SM artists.


"Omg! Chanyeol si Yoda na ba yan? Ang gwapo hihi. Ang laki rin talaga ng tenga mana sa dad niya!" Excited na lumapit si Taeyeon noona at inagaw sakin si Yoda.Pinagkaguluhan siya ng SNSD, f(x) at RV.


"Omg! Ang ganda ni Moon at Chandria! Dito muna kayong dalawa dali!" Tapos hinila na rin nila yung dalawa kong anak.


"Yah! Wag niyo silang panggigilan masyado. Lalo na si Chandria! Hay nako." napailing nalang ko at pinuntahan yung mga hyungs ko at ang grupo ko na nasa isang tabi.


"Bro, kumusta? Long time no see ah?" Bati sakin Yunho hyung.


"Oo nga?" Singit naman ni Onew hyung.


"Eto, medyo nahihirapan kasi tatlong mini Chandara Parks ang inaasikaso. Hehe." Napahawak nalang ako sa batok ko na masakit dahil sa pagbubuhat ko lagi kay Yoda na sobrang bigat.


"Kaso ganyan talaga pag gusto mong magkapamilya. Haharapin mo ang mga responsibilidad." Sabi ko at umupo sa tabi ni Luhan hyung.


"Tama! Sigurado akong proud na proud si Dara noona dahil asawa ka niya!" Tumango naman ako. Alam kong proud na proud si jagi sa akin.


"HAHAHAHA! Guys! Diba kamukha ni Seulgi si Moon? Diba?" Natatawang tanong ni Yoona noona samin habang buhat buhat niya sa Moon at hila hila si Seulgi. Damn. Ngayon ko lang napansin. Kamukha nga ni Seulgi si Dara. Kaya hawig niya rin si Moon.


"Oo nga no! Hahaha!"


Biglang dumating si manager hyung. Pinatatawag na niya kami para sa presscon. Nagpaalam na kami sa kanila at pumunta na kaming EXO sa pagdarausan ng presscon. Buhat buhat ko si Moon. At hawak ko ang kamay ni Chandria. Si Yoda nandun kina Tiffany noona dahil ayoko muna siyang i-expose sa media. At itong dalawa rin sana kaso nagpumilit sila. Lalo na tong si Chandria na gustong maging sikat na model balang araw.


Naupo na kami sa designated seats namin. Nagsimula agad ang presscon at ako ang pinakahuling tinanong nila.


Mga ilang minuto rin ang pagtatanong nila tungkol lang sa mga anak ko na nakaupo sa mga binti ko. Panay ang pagpapa cute sa camera dahil cute naman talaga sila. Pagkatapos naman ay tinanong na nila ang tungkol sa asawa ko.


"Chanyeol, can we ask some questions regarding with your wife Sandara Park?"


I smiled a little at tinapat yung mic sakin. "Of course. Go on."

























































A/N: POV lang ni Chanyeol ang ipapakita sa Part 2. Siguro, SIGURO LANG NAMAN, naguguluhan kayo sa chap na to. Kayo po ang bahala kung ipagpapatuloy niyo ang pagbabasa ng part 2 o kung kuntento na kayo sa ending ng part 1 at ayaw ng ipagpatuloy ang part 2 okay na okay lang din. Pero sana suportahan niyo parin ang vitamin couple natin sa part 2 journey nila sa YWM .

You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon