Chapter 8

510 36 3
                                    

A/N: Eyo im back!!! Di na ko grounded hehe medyo napaaga ang pagkalaya ko kaya makakapag-ud na ako. I MISSED YOU ALL. Tsaka guys may bago akong Sehun×Minzy na story. Check out in my library nalang.

XOXO











Chanyeol



"Hyung, 30 minutes na ang nakalipas, sigurado kang darating siya?" Tumingin siya sa relo niya at nagkibit balikat.

"She should be here by now. Anyway, darating yun. Baka naman na-traffic lang o galing sa practice." Tama, darating siya. Sana. Please.

"Donghae!" Sigaw ng isang boses na talagang pamilyar sakin. Ngumiti ng malapad si Hyung at tumayo. Yung boses na yun...

Kinakabahan ako.

Ito na Chanyeol ang hinihintay mong pagkakataon! Magkikita na ulit kayo.

Pero teka, bakit ko sinusuot yung mask and shades ko?

"Hyung, wag mong sabihin yung pangalan ko. Sabihin mo ako si Dao Ming Si." Nagkunot naman siya ng noo na tila naguguluhan sa mga sinasabi ko. Pero tumango nalang siya.

Nasa harap na niya si noona na nakangiti ng malapad habang nakabuka ang mga braso.

"Oppa." Masayang bati nito.

"Dara." Niyakap niya si noona kaya nakatalikod siya sakin. Kinabahan ako lalo nang humarap siya sakin tsaka nag-bow. Parang nag-slow mo yung mundo ko nang lingunin niya ako.

And here she is. Standing in front of me wearing the same smile that greeted me the first time we met.

At na-miss ko ang mga ngiting iyon  na bubungad sakin kapag magkasama kami.

Yung mukha niyang maamo at di kumukupas na ganda, kuhang kuha parin. Kumbaga, walang nagbago sa mukha niya. Di ko lang alam kung ugali rin niya nagbago. Pero mula sa nakikita ko, siya parin yung dating Dara na minahal ko.

"Annyeong." Nakangiti niyang sabi habang ako nakatitig lang sa mga mata niya. Buti nalang at naka-shades ako kundi baka mapagkamalan niya akong baliw na manyak na nagnanasa sa kanya.

Di ako makapagsalita. Parang nalunok ko yung dila ko sa sobrang kaba.

"Uhm...di ba siya nakakapagsalita?" Tanong niya kay Donghae na ngayon ay binibigyan ako ng naguguluhang mga tingin. Umupo nalang ako at di umimik.

Anong nangyayari sakin? Bakit ako ganito?

Bahagya akong tumingin kina hyung na ngayon ay may inaangat na dalawang white board at may nakasulat na "TANGGALIN MO YUNG MASK AT SHADES MO!!!" at yung isa naman "MAG-HI KA KAY NOONA! WAG MONG I-SNOB!". San kaya nila nakuha yung mga yun?

"U-uh, oo di siya nakakapagsalita." Sabi ni hyung. Buti nalang alam niyang maki-ride nang di ko sinasabi,"B-by the way he's Dao Ming Si." Dagdag pa niya. Napatingin sakin si Dara na parang kinikilig.

"Dao Ming Si? Jerry Yan? Is that you?" Napangiti ako sa kanya. Ang cute cute parin talaga niya.

"Nope. Just Dao Ming Si." Sabi ni hyung.

"Ay okay." Mukhang na-disappoint siya sa sagot. Nilapag niya yung bag niya tsaka umupo sa tabi ko. Ngumiti siya sakin. Bigla nalang akong nanigas na parang ewan dahil sa malapit siya sa akin. Parang hindi ako makahinga sa kilig.

"Matirik ba yung araw dito?"





























Dara




Pagpasok ko ay agad kong nakita sa Donghae kaya tinawag ko ang pangalan niya. Lumapit ako sa kanya at nagyakapan kami. Tapos nun ay humarap ako sa kasama ni oppa at binati siya. Di naman siya umimik at umupo nalang. Pinakilala siya ni Donghae bilang si Dao Ming Si at kinilig naman ako bigla dahil baka si Jerry Yan nga. Turns out na hindi naman pala.

You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon