A/N: Gaya ng sabi ko sa last chap, fast forward tayo ng konti ^-^
Dara
Si Bom unnie ang may hawak ng cam habang kami nasa likod niya. Bigla niyang ini-start yung recording.
"Ayo wassup we're 2ne1!"
"Nandito kami ngayon sa (insert mall). Right now bibili kami ng pagkain para sa 2ne1 at EXO. Kaja!" Tapos pumasok na kami dun sa pamimilhan namin at nag-order. Tinapat ni Bom yung camera dun sa menu habang sinasabi na ang sarap daw ng lahat ng nandoon.
"Aigoo. Unnie's hungry already." Sabi ko at tinapat sakin yung camera. Hawak hawak ko na yung mga pagkain na nakalagay sa plastic. Tinaas ko ang mga iyon at ngumiti ng abot mata.
"Excited na akong kumain! Especially with our hoobaes! So let's go!" The video ended. Bumalik na kami sa van namin at pinag-usapan kung paano i-susurprise ang EXO. Lahat nagbigay ng suggestion pero in the end...
"Screw it! Wag na nga. I think surprise na malaman nilang nandoon tayo at doon na tayo titira." Sa bagay.
Maya maya nakarating na kami sa bago naming titirhan. Ang laki at maganda pa! Puti lahat tapos may konting black para sa details. Grabe, anong sinasabi ni manager na medyo maliit kaysa sa old dorm namin? Eh mas malaki nga yata to eh!
"Woah...ang ganda dito. Parang billionaires ang nakatira." Sabi ni Minzy at tumango kami.
Billionaires, indeed.
"Tara na."
Paglapit namin sa pinto naririnig namin na nag-iingay sila. More like nagkakagulo. Ganito ba ang mga lalaki pag sila-sila lang?
Biglang bumukas yung pinto at bigla silang natulala at napanganga.
Natawa naman kaming apat at nagkatinginan. Di naman ito ang unang pagkakataon na magkita kita kami pero parang oo base sa mga mukha nila.
Tapos bigla nila kaming niyakap.
"Aaaaahhhh! Our lovely noonas!"
"Bom noona! Na miss kita!" Sigaw ni Luhan at niyakap si Bom unnie na nakangiti sa kanya. Close na sila talaga huh.
"Yah! Chaerin Lee, diba sabi ko tumawag ka?"
"Minjjiiiii!"
"Dara ko." Napatingin ako sa kanya habang nakangiti. Yung boses niya, agad akong napapalingon tuwing naririnig ko yun. Niyakap niya ko at naramdaman kong pahigpit ng pahigpit yung yakap. Parang wala siyang balak na kalasin yung yakap niya. Tumingala ako para makita siya. Ibang iba ang saya niya ngayon.
At masaya rin ako.
"Guys wait! Kailangan tong makita sa 2NEXO TV!" Sigaw ni Bom unnie at kinuha yung camera tapos tinapat samin, kasama siya.
"Annyeong!" Sabay sabay naming bati dun sa camera habang kumakaway. Kitang kita ang ngiti at saya mula samin. Ganito pala kasaya pag magkakasama kami.
Limang buwan na ang nakalipas tila nagbago ang mundo namin. Marami ang nangyari sa pagsasama ng 2NEXO. Naging successful ang mga projects namin including 2NEXO TV. Yumaman lalo ang YG at SMent dahil sa kaliwa't-kanang collabs di lang ng 2NEXO. Pati ibang grupo ng YG at SM.
Nawala ang fanwars between sa dalawang grupo. Dahil nakikita nila na masaya ang isa't-isa na magkasama.
Lalong tumibay ang relasyon ng 2NEXO lalo na ng magkabalikan kami ni Chanyeol.