Chapter 15

335 31 0
                                    

Dara

Nagpagulong gulong ako sa napakalaking kama habang iniinda ang gutom na nararamdaman ko ngayon. Kasi naman nagpabebe pa ako kanina. Kung kinain ko yung Jollibee na binili ni Chanyeol edi sana hindi umiiyak ang mga bulate sa tiyan ko.

Huehue. I want Jollibee.

"Knock knock." Katok niya at tsaka pumasok. May dala dala ulit siyang isang plastic ng Jollibee kaya napaupo ako at tinitigan yung dala niya.

"Alam kong gutom ka na dahil nasa eroplano palang  tayo nag-iingay na yung tiyan mo. Haha. Bumili ako ng bago oh. Kain na wag nang mahiya." Di na ako nagpaligoy ligoy pa at kinuha yung pagkain tsaka nilantakan ito sa kama.

Umupo siya sa harap ko at inikot ang paningin sa paligid.

"Ang ganda dito sa Japan no?" Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagsubo ng chicken joy. Gosh ang sarap!

"Sana mag-tour ang EXO dito." Napairap ako.

"Oh Dara, kawawa naman yung manok." Pagbibiro niya tsaka tumawa ng marahan.

Inirapan ko siya,"Ano pang ginagawa mo dito? Makakaalis ka na."

"Kapag kailangan mo ko katukin mo lang ako sa kabilang kwarto."

"Oo na. Alis na."

Ngumiti siya at tumayo,"See you later." Aniya at umalis. Pagkaalis niya ay saktong pagpasok naman ni Bom eonnie. Nanlaki ang mga mata niya habang tinitingnan ang pa-inosenteng Chanyeol.

"I-it's not w-what you think eonnie." Nginisian niya lang ako at tumingin ulit kay Chanyeol.

"Or is it?" Nakangiti niyang tanong tsaka tumawa. Napakunot naman ang noo ko.

"Ano pang ginagawa mo rito? Diba sabi ko umalis ka na? ALIS!" Sigaw ko kay Chanyeol at mukhang natakot pa siya kaya nagmadali siyang lumabas.

"Wow. Ang taray mo naman kay Yeol. Bakit parang dati hindi naman?" Sabi ni eonnie tsaka umupo sa harap ko.

"Dati yun. Eh kasi nga nag confess siya sakin. PURO KASINUNGALINGAN. Tapos ayaw pa niyang aminin yung nagawa niya. Kaya magpapaka-cold ako sa kanya."

"WHATEVER. Ginagawa mo lang na madrama ang buhay mo. Tingnan mo ngayon, P.A. mo na siya, so kailangan mong magpanggap habang nakabuntot siya sayo."

"Di naman ako mahihirapan sa kanya. Tsaka may naisip na akong paraan para kusa na niya akong layuan at siya na mismo ang magsasabi na ayaw na niyang maging P.A. ko." Nakangiti ko pang sabi.

"Ano? Papahirapan mo?"

"Yep!"

Nagkibit balikat siya.

"Wow. Ang old school ng plan mo."

"Pero effective. Subaybayan mo ah?" Nagtaas baba ang mga kilay ko at ngumiti. Inirapan niya naman ako tsaka kumurot sa chicken ko.





















































































Chanyeol

Pumunta na ako sa room ko este room naming mga P.A. ng 2ne1. Apat kami since tig-isa kami ng alaga.

"Chanyeol, diba taga-EXO ka? Bakit naisipan mong mag-P.A. eh idol ka?" Tanong ni Sef, P.A. ni Bom noona.

Tumango ako,"Yep. Eh bias ko kasi si Dara noona kaya yun."

You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon