Chapter 35

307 20 5
                                    





Dara


"Okay, so base dito ang unang project na gagawin natin ay 2NEXO TV. Pano natin gagawin yun?" Tanong ni Chaerin na binabasa yung folder na binigay samin ni Papa YG na in-instruct niyang buksan namin ngayong araw. Dun daw nakalagay yung mga gagawin namin sa collaboration. Pagtingin namin may mga photoshoots, MVs, films at yung unang una sa listahan, 2NEXO TV. By its name siguro alam niyo na kung ano yun.

"Anong cam yung gagamitin tsaka pano i-fifilm with EXO eh di yata tayo magkikita?" Biglang may kumatok kaya tumayo ako para buksan yung pinto.







































































































































Chanyeol


"Suho hyung! Suho hyung! Buksan mo na raw yung folder!" Sigaw ni Lay hyung na mukhang excited. Nagsiupuan naman kaming lahat para malaman yung nakalagay sa folder na bigay ni Papa YG samin at sa 2ne1 noonas.

Binuksan na ni Suho hyung yung folder at binasa yung nakasulat.

"Good day! Here is the list of the projects for the 2NEXO collaboration..." nilapag ni hyung yung folder sa mesa para mabasa namin yung listahan.

Napangiti naman kaming lahat dahil dun sa unang nakalagay. 2NEXO TV.

"Guys na-eexcite ako! Makakasama na talaga natin sila oh! Ang dami daming projects na nakahilera!" Excited na sabi ni Luhan hyung at sumang-ayon naman kaming lahat. 2NEXO TV, which means more CHANDARA moments. Saya!

Naantala kami nang may kumatok sa may pinto. Pagbukas  namin, bumungad samin sina manager hyung. Tatlo na sila as of now.

"EXO, maghanda na kayo dahil lilipat na kayo sa mas malaking bahay." Mas malaking bahay? Kasing laki ba ng dorm nila noona? Excited na ko!
















































































































Dara


"Bwo?" Sabay sabay naming sabi dahil sa sinabi samin ni manager. Lilipat na raw kami sa dorm. Mas maliit nga lang daw ng konting konti, mga 1.3 percent, kumpara rito sa dorm namin pero mabubuhay pa naman daw kami.

"Pero bakit? Kalilipat lang namin dito halos. Wala pa ngang isang taon eh?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Chaerin. Baka naman nagtitipid si Papa YG?

"Malalaman niyo rin kung bakit. For now, mag-impake na kayo. Darating yung van in the next 25 minutes."

"Ay ang bilis naman! Eto na!" Mabilis pa kay quicksilver at flash ang pagkilos namin. Pano ka ba naman mag-iimpake in less than 25 minutes lalo pa't tinatamad ka?
















































































































You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon