A/N: this is it!!! Yung first encounter ng chandara ♡♡♡
Video ctto
Chanyeol
Nagpeperform ngayon ang Epik High ng "Fly High". Katabi ko sa kaliwa si Kris at Suho hyung at sa kanan ko naman ay si Sehun at parehas kaming tatlo na may hinahanap.
"Ano hyung nakita niyo na ba sila?" Pabulong kong tanong kay Kris hyung.
"Hindi eh. Maya maya siguro they'll come. Chill tenga."
Dara
Ina-assist kami ng mga staffs papunta sa seating area ng mga idols. Rinig ko pa yung pagtawag samin ng mga fans namin habang nadaan kami. Nginingitian ko naman sila.
"Woah." Nakangiting sabi sa kanila ni Bom unnie. Si Minzy din kinakawayan sila at si Chaerin naman as usual, cool.
Bigla namang tumigil yung staff sa tabi ng mga lalaking nakaputi. Labindalawang lalaking nakaputi. Napalunok ako habang naglalakad kami papunta sa seat namin. Dahil polite ako nakangiti ako habang nag-bobow sa EXO.
Chanyeol
"Shit. Shit. Papunta sila dito." Na-eexcite na sabi ni Kris hyung habang tumitingin tingin sa kanan. Tumingin nalang din ako at nakitang naglalakad palapit samin si Minzy sunbae kasama ang buong grupo nila. Bigla naman akong na-hype. Papunta sila dito!
"Annyeong noona." Nakangiti kong bati kay Minzy sunbaenim at ganun din siya. Pero si CL noona cold face parang face lang ni Jiyong. Sana nga sila nalang ang nagkatuluyan. Mas bagay pa.
And then bigla ko siyang nakita. Nag bow siya sakin and I did the same. Aigoo. Bakit di ko siya binati?
Ang laki laki pa ng space pero ayokong umusog.
Kasi nasa harap ko lang siya.
Dara
Nasa likod ko si Suho na katabi ni Kris at katabi naman niya ay si Chanyeol. Sobrang awkward kasi ramdam kong nakatitig sila sakin. Di sa nag aassume ako ah. Kaya kinausap ko nalang si Bom unnie tungkol sa performance ngayon ng Epik High.
Chanyeol
Ang cute cute niya. Di ko naman siya pwedeng titigan ng matagal dahil baka may makakita pa sa ginagawa ko. Kaya naman ay pasulyap sulyap lang ako sa kanya. Nakipagpalitan ako ng pwesto kay Kris hyung kaya mas malapit na ako sa kanya. Naaamoy ko na nga siya eh. As usual mabango.