Dara
Nagising ako sa malakas na tunog mula sa phone ko. It was a call. I was actually expecting that it was Jiyong pero pagtingin ko pangalan ni Chanyeol ang nakalagay. Kahit medyo disappointed sinagot ko parin. Teka, disappointed nga ba ako?
"Hello..." Bati ko. Raspy pa yung voice ko dahil nga bagong gising.
"Goodmorning noona! Pwede ka ba ngayon?" Sumulyap ako sa wall clock. It's 5:45 in the morning at ginising niya ako. It's either may emergency o mang-aaaar.
"Chanyeol, ang aga aga pa para tawagan ako. Alam mo ba kung anong oras na?"
"Ay! Sorry noona nagising kita! Sorry talaga! Teka, wala ba kayong orasan? 5:45 na ng umaga. Yayayain sana kitang magkape. Dapat ganito kaaga para mas masaya."
"Ah..." I buried my face in the pillow habang nakapikit pa ang mga mata ko. Inaantok pa ako.
"Actually noona nasa labas ako ng dorm niyo." Napamulat agad ako ng mata at dali daling sumilip sa may bintana. Nandun nga siya. The heck.
"Chanyeol, anong ginagawa mo sa labas ng dorm namin? Pano pag may nakakita sayo? Pumasok ka nga sa kotse mo!" Nakita ko namang nagkamot siya ng ulo at pumasok sa kotse niya.
"Noona, baba ka na please. Magkape tayo."
Chanyeol
Nag-end call nalang siya bigla. Ewan ko tuloy kung anong sagot niya. Pero maya maya may kumatok sa bintana ng kotse ko.
"Chanyeol, buksan mo yung bintana." Binuksan ko naman iyon at ngumiti sa kanya.
"Hi noona!"
"Di pa ako naliligo. Bumalik ka nalang mamaya." Sabi niya. Halata pang bagong gising siya dahil nakapantulog pa siya, magulo ang buhok tapos maga pa yung mata. Kinukusot kusot niya pa nga eh. Parang bata.
"Noona, okay lang di mo naman kailangang mag-ayos. Maganda ka parin." Pero inirapan niya ko.
"Bolero. Di pa ko nag-totoothbrush. Mumog lang."
"Ayos na ayos lang noona. Di naman tayo magkakape sa isang kapehan. May mas maganda akong ideya." Napakunot naman yung noo niya pero in the end sumama rin siya sakin.
Dara
Nako, sana nga di ako dalhin ni Chanyeol sa matao na lugar. Nakakahiya kaya tong suot ko. Tsk. Pero kahit na ganito okay lang din naman. Marunong naman akong magdala ng kahit na anong damit. Kahit plastic bag ang isuot ko siguro cool parin akong tignan.
Nakatulog ako sa buong byahe namin. Paputol putol yung tulog ko eh. Nagising ako nang naramdaman kong tumigil na kami.
Pagdilat ko, namangha ako sa nakikita ko.