"You should be scared. Malay mo isang araw biglang magbago ikot ng mundo. Baka iwan ka niya." Biglang napaisip si Dara sa sinabi ni Chaerin sa kanya. Wala naman siyang dapat ikatakot diba? Mahal siya ni Chanyeol at di siya iiwan nito. Nagyaya na ngang magpakasal diba?
"Hay nako Chaerin kung ano ano ang pinagsasasabi mo kay Dara. Wag ka nga makinig diyan siguro nag-away sila ni Suho." Napakunot naman yung noo ni Chaerin sa sinabi ni Bom.
"Who the hell is Suho?" Di pa naman kasi namimeet ni Chaerin yung mga trainees ng SM kasi lagi siyang busy para sa mga promotions ng 2ne1. May bestfriend naman siya mula sa SME, si Tiffany. Pero minsan nalang sila magkita nito dahil busy ang parehong grupo.
"Si Suho, leader ng EXO. Siguro alam mo naman yung EXO? Yung grupo ni Chanyeol?"
"Yeah I know EXO but I dont know the members except for Chanyeol. Pero teka nga wag niyong ibahin yung usapan. Dara, I know you feel something wrong about Hyoyeon. Hindi mag rerelease ang dispatch ng photos ni Hyoyeon na kasama si Chanyeol kung walang something na nangyayari..." Napabuntong hininga nalang si Dara habang tahimik na nakasandal sa sofa. Hinihimas naman ni Minzy yung likod niya.
Nag release ang dispatch ng photos na magkasama ang dalawang SM artists na "magkahawak kamay" pa habang palabas ng isang resto. SILANG. DALAWA. LANG. But hey, rumor lang naman na may something sa dalawa. So baka walang katotohanan diba?
Hinawakan nama ni Chaerin ang kamay ni Dara. "You should talk to him."
Chanyeol
Yung totoo? Si Bom noona umiinom. Pati siya umiinom. Baka yung dalawa rin umiinom. Araw ba ng inuman? Ako nga rin iinom para maki uso.
"Bakit ka umiinom?" Di sa chismoso ako pero syempre concerned ako sa minamahal ko. At bilang "Kaibigan" niya gusto kong malaman kung may pinag dadaanan ba siya kaya siya naglalasing. Well at least nagawa ko na yung unang hakbang.
Huehue. Nasa unang hakbang palang ako eh sa isang araw di na ulit kami magkikita. Forever ba akong nasa friendzone state?
"May maliit na problema sa grupo. Pero wala to. Gusto ko lang uminom." Sa totoo lang ayokong nakikita siyang nagpapakalasing. Pero di ko naman siya makokontrol ngayon kasi "FRIENDS" okay? "FRIENDS" lang kami at HINDI KAMI. Masakit isipin na iba na ang nagmamay-ari sa kanya.
"Noona, stop drinking. Ang tatapang pa ng mga iniinom mo. Baka magsuka ka ng sobra sobra." kinukuha ko na sakanya yung Emperador na iniinom niya pero ayaw niyang ibigay. Binebelatan pa nga ako eh.
Pero mukhang di pa siya lasing kasi ayos pa naman siya magsalita. Ang tibay ng babaeng to ah?
"Samahan mo kong uminom. Dali. Mag cheers tayo for our new friendship! Woo!" Binigay niya sakin yung isang shot glass at siya na mismo nakipag "cheers" sa akin tapos agad niya iyong ininom. Ang saya ko kasi feeling ko starting over ang peg namin. Napatawad na niya kaya ako?
Dara
I can feel that the alcohol's taking over me. Baka ano pang masabi ko kay Chanyeol at baka ano pang magawa ko sa kanya.