Chapter 10

495 32 0
                                    

A/N: Ang pangit ng araw ko ngayon kaya idadaan ko nalang sa update.
:3










Dara


"Dara unnie may pinadala si Jiyong para sayo!!!" Napatayo ako ng di oras at dali-daling tumakbo papunta sa living room. Nakatayo doon si Minzy habang hinihimas ang buhok ng isang pusa.

"Omo! Chan!" Tumakbo ako papunta sa kanila at kinuha yung exotic shorthair.

"Chan? As in?" 

Natigil ako at napaawang ang bibig ko. Parang gusto kong sabihin na hindi siya yung tinutukoy ko o ano.

"Ang cute ng name. Bagay sa kanya." Ngumiti siya at inabot sakin ang isang paper.

"Letter from your loverboy."

"Loverboy ka diyan?" Tumawa lang siya at umalis na. Umupo muna ako at pinanggigilan yung pusa. Ang cute cute cute hahaha. Binuksan ko yung letter na galing kay oppa.

Dara,

Sorry kung natagalan yung pusa. Alagaan mo yan ha dahil anak natin yan. Hehe. Saranghae.

P.S. okay na rin sakin kung Chan ang ipapangalan mo sa kanya.

GD

Anak namin pusa? Baliw talaga yun.
Binaba ko yung papel at binuhat pataas yung pusa.

"Hi Chan. Chan. Chan. Chan--"

"Yeol." Singit ni Bom unnie at ngingiti ngiting tumabi sakin.

"Yuck. Chan lang walang Yeol." Pagtataray ko.

"Well obviously galing sa pangalan ng ex mo yung pusa mo." Pang-aasar niya.

"Chan nga ang panglan ng pet ko not Chanyeol. Magkaibang magkaiba yun!" Ngumisi lang siya. Nakakainis. Sabing hindi nga Chanyeol eh.

"Anyways, pinapapunta tayo ni Papa YG sa office niya. Akyat lang ako para sabihan yung dalawa. Magbihis ka na ha."

"Okie." Umakyat na ako dala dala si Chan. Pagpasok ko ay binaba ko siya at agad siyang tumakbo papunta sa kama ko at natulog. Mukhang may jet lag tong pusa ko hahaha.

Naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na ako at nandun na yung tatlo na naghihintay nalang sakin.









































Chanyeol


"Chanyeol!" Napatingin ako sa choreographer namin na magkasalubong ang dalawang kilay. Nako po, sesermunan yata ako nito.

"Sinasayang mo ang oras, laway at boses ko! Kung maghapon kang tutunganga edi sana di ka nalang pumunta dito para mag-practice. Suho!" Tumakbo papunta sa kanya si Suho hyung.

"Yes hyung?"

"Ayusin mo nga tong kagrupo mo! Ayokong magturo sa mga taong lumilipad ang utak sa ibang bagay. Dapat pagbalik ko maayos na siya!" Sigaw niya habang dinu-duro pa si Hyung.

"Opo." Tapos padabog na nag-walkout yung lalaki.

Nagsilapitan silang lahat sakin.

"Okay ka lang, Channie?" Tanong sakin ni Baek.

"Obvious ba? Kung okay yan edi thana di siya napagalitan diba?" Sagot ni Sehun.

"Bastos kang bata ka ah! Hyung mo ko! HYUNG!"

"Baka noona." Natatawang sabi ni Chen. Nagtawanan naman sila habang ako tahimik lang. Umupo nalang ako sa gilid at uminom ng tubig. Napansin ni Kris hyung na nandito ako kaya tinabihan niya ako.

You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon