Chapter 18

293 22 0
                                    

"Dobi! Dobi!" Pangungulit ni Dara sa nobyo na naglalaro ng video game kasama ni Kai.

"Teka lang babe matatapos na to." Sabi ni Chanyeol na focused na focused sa laro. Napangisi naman si Kai at tumingin ng bahagya sa dalawa.

"Tawag ka na ng girlfriend mo hyung. Pansinin mo na matatalo na rin naman kita eh."

"Ha? Matatalo na si Dobi? Di pwede! Dobi, talunin mo yang Jongin na yan dali!" Sabi ni Dara at nag fighting pose pa.

"Babe kiss mo ko para galingan ko lalo." Napangiti si Dara at agad na dinampi ang labi sa pisngi ni Chanyeol. 3 times.

"Kadiri kayo! Sa kwarto kayo mag lampungan wag sa harap ko! Yuck! Yuck!" Inis na sabi ni Kai at tumawa naman si Dara.
"Palibhasa naiinggit kasi wala pang girlfriend!" Mukhang chickboy si Kai pero ang totoo niyan ay napaka inosente at wala sa isip niyan ang magkaroon ng shota.

"Boyfriend kasi meron niyan. Si ano--" Nakangising sambit ni Chanyeol.

"Si Kyungsoo!" Natatawang dugtong ni Dara.

Namula naman si Kyungsoo na kakapasok lang sa sala.

"Oh Kyungie nandito ka pala. Asan yung food?"

"D-di ko boyfriend si Kai! Walang namamagitan samin!" Depensa ng pandak pagkababa niya ng pagkain at tsaka kumaripas ng takbo.

"HAHAHAHAHAHA! Defensive much!"

"Aish! Ang kulit niyong dalawa. Alis na nga ako." Sabi ni Kai at umalis para puntahan ang ehem boyfriend niya.

Humiga si Dara sa lap ni Chanyeol at kinulit kulit ulit ito.

"Wait lang babe matatapos na---Nanalo ako babe! Nanalo ako! Woo!" Sigaw ni Chanyeol at agad na niyakap ang nakahigang si Dara.

"Lucky charm talaga kita babe!" At ninakawan niya ng halik sa labi si Dara. Namula ang dalaga at hinampas ng marahan ang braso ng nobyo.

"Yah! Di ka pwede humalik ng basta basta!" Sabi niya at nag pout. Di na naman napigilan ni Chanyeol ang sarili at sinunggaban na ng halik sa labi si Dara.

"Ah ganun ah!"

Agad na umupo si Dara sa lap ni Chanyeol, facing the guy at hinawakan ang mukha nito.

"Gusto mo pala ng halik?" Pinaulanan ni Dara ng halik sa mukha si Chanyeol habang sinasabi ang,"I love you."

Mula sa noo nito ay bumaba sa mata, ilong, pisngi, baba, basta buong mukha maliban sa labi. Hinalikan niya rin ang leeg nito kaya napasinghap si Chanyeol.

"OMG! WAG KAYONG GUMAWA NG BABY DITO!" Sigaw ng isang lalaking inosente kaya napatigil ang dalawa sa ginagawang kababalaghan.









































Chanyeol

"Mag-ingat ka hyung sa susunod! Buti di na beastmode si Papa YG pati yung tito mo." Sabi ni Suho hyung kaya napahawak ako sa batok ko.

Kausap ko si Suho hyung ngayon sa Skype since breaktime namin ngayon. Nalaman kasi niya yung tungkol sa nangyari kaya minabuti niyang kausapin ako.

"Oo nga eh buti nalang."

"Kailan ba balik mo? Miss ka na ng EXO. Tsaka ang dami na naming nabisitang mga t.v. shows. Hinahanap ka na rin ng mga fans. Bakit hiatus ka raw agad?" Napangiti ako.

You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon