Chapter 20

300 23 5
                                    

Magkahawak kamay na naglalakad sa parking lot ng SME si Dara at Chanyeol. Alam na ng CEO ng dalawang kumpanya ang tungkol sa kanila at di PA naman ito tumutol sa relasyon nilang dalawa. Basta raw matago nila ng mabuti ang bagay na iyon sa publiko.

"Babe, balita ko may kissing scene dun sa mv niyo ni Lee Min Ho." Nagtatampong sabi ni Chanyeol kaya napangiti si Dara at hinigpitan ang hawak sa kamay ng nobyo.

"Dobi, camera trick lang yung gagawin sa scene na yun. Kunwari nag kiss kami pero di talaga. Tsaka tumanggi rin si Lee Min ho na gawing totoo yung scene na yun dahil may gf din siya no." Pero mukhang di parin kumbinsido si Dara kaya hinalikan niya sa pisngi si Chanyeol.

"Aigoo. My fiance is jealous!" Kumunot naman ang noo ni Chanyeol at tumingin sa iba. Pero ang totoo kinikilig na siya.

"Di ah."

"Eh bakit nakakunot noo mo? Gusto mo pa ng kiss no? Halika nga." Hinawakan ni Dara yung mukha ni Chanyeol at pinaghahalikan siya sa pisngi. Napangiti si Chanyeol at ginulo ang buhok ni Dara.

"Yuck! Wag kayong mag-PDA dito my gosh!" Sigaw ni Krystal kasama ni Amber, Donghae at Minzy na naglalakad papunta sa magkasintahan.

"Masyado kayong atat eh. May motel na malapit dito uy." Sabi naman ni Donghae.

Namumula naman ang dalawa sa sobrang hiya. Nahuli na naman sila na naglalandian.










































Dara

Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Jiyong oppa papunta sa sasakyan niya. Nag-ikot ikot lang naman kami sa mga pasyalan at wala pa namang kabaliwang ginagawa tong si oppa. Pinag-usapan din namin yung tungkol sa "pagkakamali" ni Chanyeol dun sa pagbibigay nung flowers.

Eh halata namang sinadya niya yun. Pero bakit di ko naisip agad. Kainis.

"Darong, may itatanong pala ako." Aniya pagkasakay naming dalawa sa kotse niya.

"Ano yun oppa?" Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga tsaka tumingin sakin.

"A-ano...pwede bang maging-- argh! Di ko masabi..." napahawak siya sa batok niya habang nakayuko.

Napangiti ako at hinalikan siya.

"Yes oppa. Alam ko na ang itatanong mo. At yes ang sagot ko." Nanlaki ang mga mata niya na parang di pa nagsisink in sa kanya yung ginawa at sinabi ko.

Pero kalaunan...

"SHT! YES! NAG-OO SI DARONG! YES! YES! YEEEESSSS!" Sigaw niya habang yakap yakap ako ng mahigpit. Lalong lumapad yung ngiti ko dahil masaya ako.

Oo, mahal ko si Jiyong kaya ko nga siya sinagot diba? Pero sana di ko pagsisihan ang desisyong mahalin siya.












































































Chanyeol

Tsk. Anong oras na at wala pa sila? Saan ba kasi dinala ni SUNBAE si noona?

Umupo muna ako sa may kama at hinintay na tumunog yung phone ko. Pag gabi kasi panay utos si noona kaya nagbabakasakali akong tumawag siya para mag-utos. Pero wala. Notif lang na may kailangan akong i-update. Mukhang busy silang dalawa ah.

You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon