A/N: Sa mga nakabasa na ng chap na to nung mali yung ud ko pwede niyong i-skip to since wala naman akong binago :)
PS: baka naiinis na kayo kasi paiba-iba update days ko hehe. Anytime po pwede akong mag-update. Mapa-weekend or weekdays para matapos na natin to agad at di para di na ako ma-writer's block. Pero sana wag kayong mag-demand tulad ng "AUTHOR UPDATE NA!" Okay? Di kasi tinatae ang updates. Nakakatunaw din ng utak ang mag-isip ng magandang ilalagay sa bawat chap.
Chanyeol
Dati pa man, pangarap ko nang bumuo ng sariling pamilya. Bago ako mag-propose kay Dara dati iniisip ko kung masyado ba akong bata para magpakasal at magka-pamilya. Masyado nga ba akong bata kaya nag-iba ang nangyari sa inaasahan kong mangyari? Kaya ba naghiwalay kami dati pero nagkabalikan ulit kasi ito na ang tamang panahon?
"Anong trip yan? May patingin-tingin sa bintana. Emote time ba?" Sinapak ko siya pagkaupo niya sa tabi ko. Panira ng moment talaga tong si Baek minsan. Madalas si Sehun o kaya si Baba hyung.
"Panira ka."
"Mas panira yang tenga mo." Napahawak naman ako sa tenga ko. Di kaya to panira. Sabi ni Dara cute raw eh.
"Oo nga pala, sabi ni Sanghyun ngayon ang dating ni Chandria." Bigla naman akong kinabahan. Si Chandria.
Sino nga ba si Chandria?
Kung maitatanong niyo...anak namin siya ni Dara. Pano? Basta 'kunwari' anak namin siya ni Dara para sa We Got Married episode namin sa 2NEXO TV. Mas maganda raw kapag may 'virtual' daughter. Mas mukhang totoo na pamilya kami.
Oh diba, wala kaming kaalam-alam ni Dara na magkaka-anak kami. Pero kahit virtual daughter man, mamahalin namin si Chandria na parang tunay na naming anak. Sabi ni Sanghyun, kung pakakasalan ko ang kapatid niya dapat maging mabuting ama rin ako kay Chandria. Parang sinabi niya na rin na boto na siya sakin para kay Dara. Ayos diba.
"Dobi!" Kumaripas naman ako ng takbo paakyat, leaving Baek. Bigla bigla akong natataranta pag tinatawag ako ni Dara. Pasigaw man o hindi.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng kwarto niya.
"Darating na raw mamaya si Chandria. Kaya aalis muna kami ni Sanghyun dahil mamimili kami ng mga damit para sa anak natin." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sarap pakinggan. Parang may pamilya na talaga kaming dalawa.
Pero teka, bakit hindi ako ang kasama?
"Hindi ba ako pwedeng sumama?" Napasimangot nalang ako nang humindi siya. Aish.
Nagmukmok naman ako sa tabi niya habang siya naglalagay ng kung ano man sa mukha. "Ako ang ama. Dapat ako ang kasama." Kunot noo naman siyang tumingin sakin na parang sinasabing ano bang problema mo?
"Dami mong alam. Ayusin mo nalang yung gamit niya dun sa kahon ah. Aalis na ko. Pag dumating na si Chandria asikasuhin mo ha. Bye na." Tapos hinalikan niya ako sa pisngi at umalis na.
Hay, siguro kailangan ko nalang hintayin ang pagdating ng anak namin.
Nice one Chanyeol, sineseryoso mo ang pagiging ama mo.
Pagkatapos ayusin ang ilang gamit ni Chandria kumain ako ng tanghalian tapos sinamahan ko saglit si Durami sa isang convenient store para mamili ng alam niyo na...pag meron ang babae. Ganun. Bait ko diba? Kaya nga dumagdag ang pogi points ko sa kanya eh.
Pagkatapos nun umuwi na kami at nagpahinga na ako. Di ko namalayan na nakatulog na ako pagkahiga na pagkahiga ko.