Chapter 1

1.1K 52 1
                                    

A/N:

Guys, medyo i-aadjust o babaguhin ko yung ibang infos and events na alam natin (again, for the sake of the story only) so bale, ganito ang mangyayari.

>24 palang si Dara nung 2012

>Nag-debut ang 2ne1 noong 2007.

>No one will leave EXO or 2ne1

>Si Lee Soo Man parin yung CEO ng SME

Yung iba ay ilalagay ko nalang sa mismong chapter na mangyayari yun.

*Always remember na hindi lahat ng nakalagay dito ay totoong nangyari o hindi base sa totoong pagkakasunod-sunod ng mga nangyari o nangyayari. May mga totoong namang nangyari dito. Gets niyo naman diba?

^-^







Chanyeol

Nandito kami sa isang tagong bar malapit sa dorm namin. Nagpa-blow out kasi si Suho-hyung dahil sa successful debut namin kanina lang. Yung bar na to, sabi ni manager-hyung, ay puro mga artista lang ang pumupunta. Sa ngayon, kami palang ang nandito. Sana may iba pang dumating para masaya ang celebration namin.


"Woo! Cheers!"


"Cheers!"


Sabay sabay kaming nag-cheers tsaka ininom yung shot glass namin. Biglang nag-init yung mukha ko. Ang tapang ng in-order ni hyung.


"Thuho-hyung, di ba talaga pwede? Kahit tikim lang?" Tanong naman ni Sehun habang nakapalumbaba at pinapanood kaming mga hyung niya.


Overprotective kasi kami sa aming maknae kaya hangga't maaari ay di muna namin siya isasama sa mga kababalaghan naming mga hyung.


"Di pwede, Sese. Kain ka nalang ng kimchi." Sagot naman ni hyung at nilapit sa kanya ang isang platito na may kimchi. Nagtawanan naman kaming lahat dahil nag-iba yung itsura ni Sehun.


"Sehun-ah! Mag-aegyo ka para payagan ka ni Suho-hyung! Yun nga ginawa ko eh." Sabi ni Kai itim este Kai.


"Wag na! Eto nalang ang kakainin ko. Ang daya niyo mga hyung. Thi Kai  pinayagan niyo."


"Hahaha! Ganyan ka naman eh, tinatawag mo lang kaming hyung pag may kailangan ka." Sabat ko naman at pinitik yung noo niya. Nagtawanan ulit kaming lahat.


"Yah! Yah! Wag niyo namang asarin si Sese." Inakbayan bigla ni Luhan si Sehun at wari ay pinoprotektahan niya ito.


"Yiee! HunHan! Hahaha!"


"Ey, chingus, shut up. Ya'll so noisy." Sabi ni Kris-hyung na mukhang lasing na lasing na. Ang dami na sigurong nainom.


Sa kalagitnaan ng pagtatawanan namin ay biglang dumating si manager-hyung.


"EXO, wag kayong mag-iingay masyado. May darating na artists mula sa YGE at kasama ang CEO nila." Dahil dun ay agad kaming nagsipatahimikan at nagsi-ayos ng upo. Sabi ni Mr. Soo Man, pag nandiyan ang kalaban, dapat mukha kaming disente.


Pero umayos ako dahil nirerespeto ko ang YGE at ang artists nila. YG fanboy ako eh. Sa totoo lang maraming YG fanboy sa EXO. Pero hindi halata dahil ayaw magpahalata dahil baka magalit si Mr. Soo Man.


"Hyung, papunta raw dito si Papa YG kasama ang ilang artists, nandun kaya siya?" Napa-shrug nalang ako sa tanong ni Kyungsoo. Nakiki-papa YG tong si D.O ah.


You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon