Chapter 2

879 46 1
                                    

A/N: Mag-uud ako every week. Minsan double update para di kayo mabitin masyado. Hehe. Share niyo rin tong story na to sa ibang Chandara shippers para masaya ^3^

VOTE

COMMENT

RECOMMEND














Chanyeol

"Chanyeol...gising."



"Park Chanyeol...wake up!"



Nagising ako nang biglang may sumapak sakin. Napaupo ako at tumingin kay Kris-hyung na naka-ngiti.



"Tss. Hyung naman eh, bakit bigla kang lumilitaw. Itago mo nga yang gilagid mo, nakakatakot." Kinusot ko yung mata ko at mas naaninag ko yung mukha niyang masama na ang tingin sakin.



"Hyung, bakit mo ba ako ginising?" Tumingin ako sa relo sa tabi ko,"It's freaking 5 in the morning. Mamaya pa tayo aalis ah."



"Dara's coming home this 6 in the morning. Sa Incheon airport mag-lalanding yung eroplano na sinasakyan niya."



Hala...ayaw niya ng sumasakay sa eroplano. Dapat sumakay nalang siya ng ferry.



"T-teka, s-sinabi mo bang-" Di ko natapos yung tanong ko nang tumango siya.



Nanlaki ang mga mata ko at binigyan siya ng isang tagumpay na ngiti. Babalik na raw siya!!!



"Hyung! Babalik na si Dara ko! Ang Dara ko babalik na!" Niyakap ko si Kris hyung habang nagtatatalon sa tuwa.



"Aish...ang ingay mo Chanyeol!"



"Hoy Chanyeol manahimik ka nga!" reklamo ng dalawa kong kasama sa kwarto.



Lumabas ako ng kwarto at tumakbo habang sumisigaw ng,"GUYS! BABALIK NA SI DARA! BABALIK NA ANG MAHAL KOOOOOO! ANG DARA KO!!!"



Isa-isang naglabasan yung mga ka-grupo ko habang kinukusot ang mga mata nila. Naalimpungatan ko yata.



"Chanyeol, bakit nagsisisigaw ka sa hallway? Nagising tuloy kami." Sabi ni Luhan na may yakap yakap pang hello kitty stuff toy AT may mukha ni Bom noona doon. Grabe na talaga ang obsession niya kay noona.



"Guys, babalik na ang Dara ko!" Masayang tugon ko sa kanila at di sila nagulat, di tulad ng inaasahan kong magiging reaksyon nila.



"Nananaginip ka ng gising. Itulog mo nalang yan, hyung." Sabi ni D.O.


"Hindi ah! Totoo to! Babalik na siya!"



"At pano mo naman nalaman na babalik na si noona?" Tanong ni Tao.



"Si Kris hyung ang nagsabi."



"That's right." Biglang lumitaw si hyung at tumabi sakin.



"Saan mo naman nakuha yung impormasyon na ngayon uuwi si noona, Kris?" Ma-autoridad na tanong sa kanyan ni Suho hyung.



"Connections." Naka-ngising sagot naman niya.



"Guys, babalik na ang Dara ko, maniwala na kasi kayo. Si Kris hyung na ang nagsabi."



"Hay nako Chanyeol, pinapaatha ka lang niyan ni Krith." Umiiling na sabi ni Sehun. Nagsitanguan yung iba.



You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon