Chapter 17

320 23 2
                                    

A/N: Sorry sa matagal na ud :((

















Dara


"Last pose!" I did the 2ne1 hand sign and smiled. Kahit mukha akong pagod nakangiti parin ako. May pagka baliw din yung katawan ko minsan.

"And...there. A very productive photoshoot! Nice working with you Ms. Park. Hope you enjoy Philippines once more." Ngumiti ako at nag bow sa kanila.

"Kamsahamnida."

Mahal na mahal ko ang Pilipinas at ang mga tao dito dahil ilang taon din akong namalagi dito bago ako pumunta sa Korea at mag debut kasama ang 2ne1. Napamahal din ako lalo dito nang mag stay ako for two years dahil sa nangyari sakin.

Speaking of, asan na yung magaling kong alalay?

Umupo ako sa isang tabi at naghintay na may mag abot sakin ng tubig o abutan niya ako ng tubig kaso wala. Dumating na yung make up artists ko at tinanggalan na ako ng make up. Dumating yung isa kong kasama from YG na hawak hawak ang phone ko.

"Ms. Park, kanina ka pa tinatawagan ni Chanyeol. Naka 10 missed calls na yata pero di ko pwedeng sagutin kasi bawal ang cellphone sa photoshoot." Tumango ako at kinuha yung phone ko.

Calling....
PCY

Accept Decline

Agad kong pinindot yung accept button.

"Noona! Tulong!" Bakit may mga babaeng sumisigaw sa background at bakit siya sumisigaw?

"What the hell Chanyeol? Wag ka nga sumigaw! Asan ka ba?" Inis kong sabi sa kanya. Nakakainis. Ikaw ba naman biglang sigawan?!?

"Noona, nandito ako sa cr ng isang mall. Tulungan mo ko di ako makaalis!" Rinig ko pa na may babaeng sumigaw ng pangalan niya. CR ng isang mall? So may oras pa talaga pa siyang mag mall eh pinasusunod ko siya samin?

May narinig pa akong,"PARK CHANYEOL GET OUT AND GO TO MY HOUSE!" Wow, demanding si ate ha.

Napapikit nalang ako. Now I know kung bakit siya sumisigaw at humihingi ng tulong. Now I know kung bakit wala ang mokong na to dito.

"Tell me, bakit ka kinukuyog ng mga babae?"

"K-kasi noona nakalimutan kong mag disguise. Commute nga lang pala ako." Napahawak nalang ako sa bridge ng ilong ko habang nakikinig sa mga pakiusap niya.

Napabuntong hininga ako. Ayokong gumawa ng eksena dito kaya pag nagkita kami tsaka ko siya sisigawan,"Arasso. I'll call the bodyguards."

Park Chanyeol, you're in big trouble. Well, I am in big trouble too.














































































































Chanyeol


Pagkatapos kong tumawag kay Dara ay sinilip ko yung labas. Wala paring babaeng nagtangkang pumasok dahil male's cr to. Ang nakakainis lang walang pinto yung entrance ng cr. So may chance na makapasok sila pag wala ng tao!

"Oy pare ayos ka lang? Mukhang hinahabol ka ng mga chicks mo ah. Nice one." Sabi nung isa sakin at lumabas. Nice one? Mamamatay ako pag nakita nila ako dito tapos nice one?!?

Napaupo nalang ako sa sahig at nagdasal na sana di to makaabot kay Papa YG at sa SME. Magagalit talaga sila sakin dahil magiging issue ang pagpunta ko dito.

Maya maya ay biglang may kumatok.

"Sir Chanyeol, bodyguards po to ng YG entertainment. Nandito kami para sunduin kayo." SA WAKAS! Binuksan ko yung pinto at niyakap sila.

"Gomawo! Gomawo! Gomawo!!!" Pinagtitinginan na ako ng mga lalaki sa loob kaya umayos ako ng tayo.

"Sir, suotin niyo to." Sinuot ko yung mga pantakip na binigay nila. Ayos, takip na takip na talaga ako.

Nasa pagitan ako ng limang bodyguards habang papalabas kami. Pilit na lumalapit yung mga babae at pilit nilang hinihila yung bodyguards para makalapit sakin. Buti nalang at dumating pa yung ilang guards ng mall at tinulungan kami na makaalis dun. Pinadaan din kami sa isang lugar na pinapasukan lang ng mga staffs. Luckily, nakaalis kami dun.

Hingal na hingal ako pagsakay ko sa van. Inabutan ako nung isa ng tubig. Nang mahimasmasan ako ay agad akong nagsalita.

"Alam na ba ni Papa YG ang nangyari?"

"Opo Sir Chanyeol. Ang mga ganitong insidente ay dapat pinapaalam namin agad sa boss para masolusyonan agad." Kinabahan ako bigla.

Biglang tumunog yung cell phone nung isa.

"Tumatawag si sir. Yoboseyo?"

Bigla siyang tumingin sakin kaya napalunok ako.

"Kakausapin kayo ni sir."

Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha yung phone.

"Y-yobos-seyo?"


























































































































Dara


Tumakbo ako papunta sa office ni manager. Pagpasok ko nandun si Chan-- yung P.A. ko at kinakausap siya ni manager.

"A-annyeong." Bati ko sa kanila. Di ko siya masisigawan kasi nandito si manager. Pasalamat siya.

"Annyeong. Maupo ka." Umupo ako sa katapat na upuan ng P.A. ko. Ugh. Kumukulo na naman yung dugo ko.

"Naayos na ang problema Dara. Pinalabas ng SME na nagbabakasyon dito si Chanyeol at nagkataon lang na maling sasakyan ang napuntahan niya." So okay na? Nasolusyonan na pala? Hay buti naman.

"Pwede ba sa susunod kasi mag ingat ka? P.A. ang trabaho mo dito at hindi pagiging idol. Wag kang gumawa ng problema." Mataray kong sabi sa kanya at napayuko nalang siya.

"Hayaan mo na Dara. Sabi ni Papa YG isang pagkakamali nalang niya ay papalitan na siya." Napaangat yung ulo niya at tumingin kay manager.

"Seryoso kayo? Ah ano di na ako magkakamali. Pangako! Di na ako tatanga tanga! Aayusin ko na po wag niyo lang akong palitan."

"Siguraduhin mong di ka na tatanga tanga diyan. Baka masira mo pangalan at career ko at di ako magdadalawang isip na sirain yung sayo." Mariin kong sabi at tinaasan siya ng kilay.

Biglang iniba ni manager yung topic kasi kung ano anong kasamaan na ang nasasabi ko,"Teka nga, di ko parin maintindihan kung bakit sumakay ka sa jeep. Diba dapat kasama mo si Dara sa van papunta sa place ng photoshoot?"

"Ah ano manager kasi puno na yung van kaya pinag commute ko na siya." Depensa ko.

"Its not her fault manager. Kasalanan ko kasi di ako nag-ingat." Sabi niya at ngumiti, yung kita gilagid. Tss. Kunwari mabait.

"Tapos na ba? Aalis na ako at magpapahinga."

"Sige makakaalis ka na." Tumango at umalis.

"Dara!" Napalingon ako sa kanya.

"Ano?"

"Sorry na." Kinunotan ko siya ng noo.

"Okay? So? Its not a big deal to me. Di naman ako nagka issue." Nagsimula na akong maglakad at sinundan niya ako.

"Ang cold mo talaga."

"Alam mo ng cold ako sayo pero bakit ka ba lapit ng lapit?" Napatigil ako sa paglalakad nang nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko.








"Kasi mahal kita."

You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon