Chapter 37

232 22 2
                                    

Chanyeol


Nakangiting tulala ako hanggang ngayon dahil sa sinabi sakin ni Papa YG kanina nang mag-usap kami.

"You and Dara will get married next month for 2NEXO TV. Pero desisyon niyong dalawa kung totoo ang kasal o hindi. Pag isipan niyo ng mabuti."

Sa totoo lang gusto kong pakasalan si Dara. Yung totoong kasal not only for the sake of 2NEXO TV pero dahil mahal na mahal ko siya. Kaya nga diba nag propose ako sa kanya dati? At handa akong gawin ulit iyon ngayon...siguro?

Pero hindi ko alam kung handa siya.








































































































Dara


Naisipan kong paglutuan ang lahat kaya naman ay nag-search ako sa internet ng mga recipes na madaling lutuin pero masarap. Kaso si Kyungsoo ang nagluluto ng ulam kaya mag-bebake nalang ako. Habang inaayos ko ang mga gagamitin ko sa pagluto saktong dumating si Kyungsoo.

"Oh noona, anong lulutuin mo?" Ngumiti ako sa kanya at nilapag ang blender sa table.

"I'm going to bake not cook hehe. Gusto kong gumawa ng cake para i-celebrate ang success natin."

"Talaga? Edi magluluto rin ako ng masarap." Tumango ako at ngumiti. Gagawa ako ng isang chocolate cake at cheesecake pero may twist. Gusto ko kakaiba ang lasa at maganda ang itsura.

Nagsimula na kami ni Kyungsoo sa pagluto at pag bake. Minsan naman tinutulungan ko siya sa niluluto niya dahil sa dami nito.

























































































Chanyeol


"How about mag-dinner date kayo. Tapos pag-usapan niyo ang tungkol dun? Dapat i-set mo yung mood bago mo itanong yan." Tama si Baek. Dapat itanong ko kung saan siya okay. Dapat pag-usapan namin ang ganitong bagay hindi ko lang dapat sino-solo.

"Bukas na bukas tatanungin ko na siya." Sabi ko naman at tinapik niya ang balikat ko. Kahit natatakot ako na baka di ko magustuhan sagot niya, magpapaka lalaki ako.

Nakarating na kami sa dorm pagkatapos ng interview ng ilan samin sa Music Bank. Pagpasok ko, nakita ko si Dara na papalapit sakin. Naka-apron siya at ang dungis ng itsura niya. Pero ang ganda parin niyang tingnan.

"Hey Dobi." Nakangiti niyang bati sakin at hinalikan ako sa pisngi without touching me. Madumi kasi kamay niya. Mukhang nagpaka-busy siya sa kusina ah?

Ngumiti ako at hinawi ang buhok niyang bangs pataas. "Nawala lang ako, inapi ka na nila?" Tapos tiningnan ko ang mga naiwan dito tapos tinuro si Kyungsoo na naglalakad papunta samin. Naka-apron din siya at ang dungis din ng itsura.

Napakunot naman ang noo ko. Parehas talaga? "Oh, anong nangyari din sayo? Bakit parehas kayong dalawa nito na madungis?" Tumawa naman ng mahina si Kyungsoo at pinahiran ng icing sa pisngi si Dara noona. DARA KO PALA.

"Isip bata kasi tong girlfriend mo." Napangiti rin si Dara at natatawa pang pinahiran ng kung ano si Kyungsoo.

"Ikaw kaya yun! HAHAHAHA!"

You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon