Chapter 9

520 32 0
                                    

Dara


"Sorry pero di naman kita kilala. Paano mo ko mamimiss?"

Napaawang ang bibig niya sa mga sinabi ko. Kumurap kurap pa siya na parang di makapaniwala.

"H-hindi mo ako k-kilala?" May halong lungkot sa tono ng boses niya. Parang konti nalang iiyak na siya. Wag kang iiyak Park Chanyeol.

"Sorry. Di talaga eh. Well bukod sa pangalan mo na ngayon ko lang nalaman. Bakit parang gulat na gulat ka? Dapat ba kilala ba kita?" Pinanatili ko yung normal kong face expression kahit sa looban ko naiiyak ako.

Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Agad naman akong nag-iwas ng tingin nang matauhan ako.

"Uhmm..." pambabasag ko sa katahimikan,"Teka nga, sabi mo di ka nakakapagsalita! Ikaw ah niloloko mo ko." Ngumiti ako at marahang sinuntok ang braso niya. Napatingin siya dun sa sinuntok ko at tumingin ulit sakin.

Napalunok ako sa sobrang seryoso ng mga titig niya sakin. Lalo kong ikinagulat nang hawakan niya yung pisngi ko.

"Dara...Dara ko..." Biglang nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naiiyak nang sambitin niya ang mga pangalan ko. Agad kong iniwas yung mukha ko at kinuha yung bag ko.

"N-naalala ko pala na may meeting ako. I need to go. Bye, Dao Ming Si."

Magsasalita na sana siya pero naglakad na ako paalis sa harap niya.









































































Chanyeol


Di ko na siya hinabol. Alam kong maiinis lang siya kaya hinayaan ko nalang siya.

Okay lang ako.

Fck! hindi ako okay. Sorry sa curse word pero di ko mapigilan ang sarili ko dahil naiinis ako.

Hindi kay Dara kundi dahil sakin.

Kung hindi ko lang talaga siya pinakawalan edi sana masaya kami ngayon. Pero hindi. At ngayon hindi niya ako na ako kilala. May amnesia ba siya? Eh bakit kilala niya si Donghae?

Pero sa kabila naman nun ay masaya ako. Masaya ako dahil nakita ko na siya at nakausap. Yun nga lang hindi niya ako kilala kaya baka siguro na-awkward-an siya dahil nakikipag-usap siya sa taong di niya naman kilala bukod sa pangalan niya.

Masaya na rin ako kahit papapaano. Nakangiti akong pumasok sa van  namin kahit medyo pilit ang ngiti ko at agad akong sinunggaban ng mga tanong ng mga usisero kong mga kaibigan.

Umupo na ako sa upuan ko at nakitang nandun din si Donghae hyung na nakangiti sakin.

"Ano nakausap mo na? Ganda niya no?"

"Hyung! Grabe, bakit mo naman kami iniwan ni noona? Teka, akala ko ba tawag ka ni tito?"

"Syempre palusot ko lang yun para makaalis ako. Diba yun yung gusto mo? Makita at makausap si noona? Bakit nagrereklamo ka pa?"

"Tss. Gusto ko siyang makita at makausap pero..."

"Pero?"

"Mukhang di na niya ako kilala."



















































































You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon