Chanyeol
Nandito kaming lahat sa sala habang pinag-uusapan yung mga nangyari kahapon. Di parin kami maka move on dun sa naganap na "2NEXO interaction". Si Jongdae hyung yung nag imbento niyan. Bagay diba? 2NEXO? Kapag shinip mo yung EXO sa 2ne1.
Di parin ako mapakali dahil di parin nag rereply si noona sa text ko. Ayoko naman siyang tawagan baka kasi isipin niya na ang kulit kulit ko.
"Kain na!" Tawag ni Kyungsoo mula sa kusina. Agad naman kaming nagsitakbuhan papunta dun. Tomguds na rin kami.
"Yay! Chicken!" Sigaw ni Jongin na nauna ng umupo.
"Tsk. Not my style." Arte ng babalu na to eh.
Tumabi ako kay Baek na ka text si Taeyeon noona. Are they dating? Tch. Buti pa sila magka usap.
"Yah! Kayo na ba ni Taeyeon noona?" Tanong ko sa kanya. Napatingin ang lahat sa kanya na tila hinihintay yung sagot niya.
"Di ah. Friends lang kami." Tapos parang kinikilig pa siya.
"Friends pero kinikilig. Nice."
"Oo nga pala nag text ako kay Minzy noona na pumunta sila sa dorm natin." Nagulat naman kami sa sinabi ni Jongin.
"Nang jojongdae ka no?" Tanong ni Luhan hyung na nanlalaki ang mga mata, daig pa kay Kyungsoo.
"Nadamay na naman ang kapogian ko?" Biglang sabat ni Jongdae hyung.
"Pano?" Tanong ko.
"Diba friends sila ni Amber noona? Edi hiningi ko sa kanya." Bigla namang nagwala si Sehun. Nako.
"Hala! Close na kayo ni noona? Di pwede! Akin lang thiya!" Oh talaga? Daming alam ni maknae.
"Teka, anong reply niya?" Tanong ni Baekhyun hyung. Interesado na rin siya sa wakas.
Dara
Kagabi pa ako iyak ng iyak. Di kasi natuloy yung bonding ng 2neBang dahil sa away namin ni Jiyong. Tapos galit na galit kami sa isa't-isa. Saya.
"Unnie? Kakain na tayo." Katok ni Minzy kaya tumayo ako para buksan yung pinto.
"Sabay na ko sayo." Pinunas ko yung mata kong namamaga na sa kaiiyak ko at ngumiti ng pilit.
Tahimik kaming bumaba papunta sa kusina. Pagpasok ko nakatingin sakin yung dalawa at agad akong pinaupo tapos sila na rin naglagay ng pagkain sa plato ko.
"Kumain ka ng marami okay? Di ka pwedeng magutom ang skinny skinny mo na nga eh." Di ko siya pinansin kasi tulala ako. Nandun kay Jiyong yung utak ko. I can't even think!
"Unnies, nag text sakin si Kai." Napatingin kami kay maknae. Si Kai? Textmates na sila?
"Who's Kai? Is he an idol? From what group?" Tanong ni Chaerin. Wala talaga siyang kilala sa EXO maliban kay Chanyeol o kaya minsan nakakalimutan niya yung pangalan ng ilang members na alam na niya ang pangalan dahil pinaalam ko na sa kanya.