"Wow Chanyeol, improving ang pagsayaw mo."
"Ganyan talaga pag may inspirasyon!"
Napangiti nalang ako habang pinapakinggan ang mga papuri nila. Bukod sa improvement ko sa pagsasayaw, masaya sila para sa amin ni jagiya. Simula nung virtual marriage namin nandun na sila at todo suporta pa. Parang sila ang number one shippers ng Chandara.
Nakakatuwa kasi marami ang tumanggap sa relasyon namin ni jagi. Kahit may mga anti, mas marami parin ang supporters. Akala ko magagalit yung mga fans kapag nalamang totoo ang lahat at hindi lang kami "virtual couple". Diba kadalasan ganun? Kapag ayaw ng fans na makipag-relasyon yung idol nila magagalit sila dun sa ka-relasyon ng idol na yun? Minsan may death threats pa.
Though, may ilang sasaengs parin na pinipilit na lumapit para saktan ang mag-ina ko. Kaya mas maingat kami ngayon at talagang doble ang security na nakabantay samin.
Malapit na ang MAMA music awards, todo focus ako sa mga practice namin pero sa kada practice si jagi ang iniisip ko. Motivation ika nga. Buti nga di distraction eh. At dahil pupunta rin sila noona sinisigurado ko na magiging all out ang performance namin. Pa-impress kuno. Lalo na kay jagiya.
Pagkatapos ng practice naupo naman kaming lahat bigla sa sahig para magpahinga. Biglang tumunog yung phone ni Luhan hyung at agad kong nakita ang wallpaper niya. Si Bom noona.
Na-curious naman ako bigla kaya nagtanong na ako ng isang tanong na halata na ang sagot.
"Hyung, mahal mo na ba si noona?" Mukhang nagulat pa siya sa biglaang tanong ko at agad na tinago yung cellphone niya.
"Sobra!" Oo nga pala. Obsessed nga pala siya kay noona. May manika nga pala siya nun.
"Lulu, kayo na ba ni Bom noona?" Napatingin naman kaming lahat kay Luhan hyung nang tanungin siya nun ni Xiumin hyung. Oh diba, nasa hot seat na siya bigla. Di pa nga nasasagot yung tanong ko na obvious talaga ang sagot may nagtanong na ulit.
Napaghahalataan na kasi namin silang dalawa. Bebelabs ang tawagan pero di naman mag-on. At kung maglambingan parang mag-boyfriend girlfriend. Alam mo yung parang sila pero di naman YATA sila?
Ngumiti naman siya. "Malapit na."
Parang namatayan naman kami.
"Ano ba yan ang bagal bagal mo hyung! Maunahan ka pa ng iba."
"Boo! Uunahan na kita sa kanya."
Kasi naman lahat kami dito shipper ng LuBom, ship name nilang dalawa simula 2NEXO TV. Pero parang namatayan kami dahil sa hindi pa pala SILA. HINDI PA. KASI MABAGAL SI HYUNG.
Hehe. Kala mo naman di rin ako mabagal.
Tapos nilipat ko naman yung hot seat kay Kris hyung.
"Eh ikaw baba, kayo na ba ni Chaerin noona?" Tanong ko naman kay Kris hyung at sa kanya naman napunta yung center of attention pagkatapos ng pang-aasar kay Luhan hyung.
Nag-tsk lang siya at umalis. Ano yun?
"Ganun yun kapag binabanggit si Chaerin noona. Ganun kasi siya kiligin. Parang budoy." Sabi ni Jongdae hyung at nagtawanan naman kaming lahat.
"Eh si Minzy na alaga ng mga noonas. May dumidiskarte na ba sa kanya?" Tanong ko ulit.
"Ako hyung. Naghihintay lang ako ng tamang panahon." Sabi naman ni maknae at nag-congrats sa kanya. May lovelife na si maknae. Binata na si maknae. Tularan si maknae--este suportahan si maknae.
Niyaya kami ni Suho hyung na pumunta dun sa bar na exclusive lang sa mga idols. Yung pinuntahan namin para i-celebrate yung successful debut namin.
Pagpasok, nakita namin ang grupong BTS na kailan lang din nag-debut. Naging close kami agad sa kanila dahil sa magkaibigan si Baek at isang myembro ng BTS na si Taehyung o mas kilala bilang si V. Matapos ng ilang batian umupo na kami kasama sila.
"Sunbaenim--"
"Hyung nalang." Sabi ko. Feel na feel ko sana yung sunbaenim kaso dapat humble lang diba? Yun ang turo ni jagi.
Ngumiti naman siya. Ano nga bang pangalan nito? Yung may malaking ilong? No offense pero higante talaga eh. Yung ilong.
Parang nabasa naman niya yung iniisip ko. "Jungkook po pala." Ah. Oo. Jungkook. Basta may malaking ilong siya na yun.
"Gusto ko lang po na i-congrats kayo ni Dara noona. Congrats po sa kasal niyo pati na rin sa relasyon niyo. Fan po ako ng chandara."
"Talaga?" Oh diba pati idols shipper din namin.
"Pero wag po kayong magagalit sakin kasi crush ko po si noona." Nahihiya niya pang sabi. Sabi ko naman ayos lang basta wag niyang aagawin sakin. Joke lang.
Nagkwentuhan naman kami tungkol sa buhay k-idol. Since pareho kaming rookie group talagang nakaka-relate kami sa isa't-isa.
At biglang nasama sa usapan ang BigBang. Paboritong grupo ng BTS.
"Gusto ko silang makilala! Lalo na si GD sunbaenim!"
Ah, si hyung.
Okay naman kami wag kayo.
Close na ulit sila ni jagi at paminsan minsan magkasama sila para mag-bond. Sabi ni hyung, oo hyung na, sabi niya suportado na niya kami. Basta masaya si Dara.
Sa pagkakaalam ko meron siyang girlfriend ngayon. Yung dahilan kung bakit nag-break siya pati si jagi.
"Gusto niyo pakilala ko kayo?" Tanong ko sa kanila. Parang nagliwanag ang mga mata nila.
"Close kayo hyung?" Parang di pa sila makapaniwala lalo na nang tumango ako.
"Sige ba! Pakilala mo kami hyung!"
***
Mga 10 na ng gabi ako nakauwi dahil sa sobrang kadaldalan namin. Halos palabasin na nga kami nung nagbabantay ng bar dahil sa sobrang ingay namin. Buti nalang at fan siya ng grupo namin.
Pagpasok ko sa bahay nakapatay na ang lahat ng mga ilaw.
Pumunta ako sa kwarto nung dalawa para i-check sila.
Mahimbing na natutulog si aegi sa tabi ng eomma niya. Inayos ko ang kumot niya at hinalikan siya sa noo. Tapos umupo naman ako sa tabi ni jagi at hinawi yung buhok niyang nagtatakip sa mga mata niyang nakapikit.
"I love you." Bulong ko sa kanya at hinalikan din siya sa noo.
Minsan ko lang marinig ang mga salitang yan mula sa kanya. At kapag sasabihin niya yan sakin talagang kinikilig ako. Yung puso ko biglang nagwawala.
Medyo gumalaw pa siya pero di naman nagising. Binantayan ko sila ng ilang saglit tapos pumunta na ako sa kwarto ko.
Naligo ako at nagbihis ng pantulog. Pero dahil hindi pa ako inaantok naisipan kong manood para antukin ako.
Tapos nakita ko yung cd na binigay sakin ni Suho hyung. Yung naglalaman ng kasal namin ni jagi.
Inayos ko na yung player at naghanda para sa panonood. May popcorn pa akong kinakain.
At nagsimula na ang video.