Chapter 24

255 22 0
                                    

Bumaba si Dara mula sa kotse. Nandito siya sa SME para kumustahin ang fiance niyang si Chanyeol na tatlong araw ng di nagpaparamdam. Dahil nagagambala na rin siya sa mga rumors na si Hyoyeon at Chanyeol ay nag-dedate.


Pumunta siya sa practice room ng EXO at binati ang grupo. Tinanong naman niya kung nasaan si Yeol.


"Annyeong noona! Wala si Chanyeol eh. Lumabas kasama ni Hyoyeon." Sabi ni Baekhyun sakin at siniko naman siya ni Suho habang binibigyan siya ng makahulugang tingin.


"Kasama ni Hyoyeon?" Magsasalita na sana si Baek kaso tinulak siya palayo ni Suho. Kinahabahan naman ako bigla. Iba ang kinikilos nila.


"Ah noona ang ibig sabihin niya magka--" naputol yung sasabihin niya dahil biglang bumukas yung pinto.


Si Hyoyeon at si Chanyeol.


MAGKAHAWAK KAMAY.


Nagulat naman si Chanyeol kaya agad niyang binitawan ang kamay ni Hyoyeon.


Dahil sa patay malisya si Dara nilapitan niya si Chanyeol at niyakap ito pero imbes na yakapin din siya pabalik ay marahan niyang itinulak palayo ang babae.


"D-dobi, anong problema?" Naguguluhan si Dara sa nangyayari. Tumingin siya kay Hyoyeon pero yumuko lang ito.


"Dara." Iba ang tono ng pananalita ni Chanyeol. Seryoso ang mukha nito. Natakot si Dara dahil alam niyang may problema at talagang iba rin ang kinikilos ni Chanyeol ngayon.


"May sasabihin ako pero hindi dito. Sumunod ka." Hindi na hinintay ni Chanyeol na sumagot si Dara at agad tong lumabas kasama ni Hyoyeon. Kailangan talaga kasama din yung babaeng yun?


Nilingon niya yung ibang EXO members at nagpaalam sa kanila bago siya umalis.


Nakarating sila sa isang room na walang tao. Practice room ata ng mga trainees.


"Dobi, ano yung sasabihin mo?" Nakatalikod sa kanya si Chanyeol habang si Hyoyeon naman nakaharap kay Dara. Nang-iinis ata.


"Wag mo na akong tatawaging ganyan. Mga kaibigan ko lang ang may karapatang tumawag sakin niyan. Tsaka..." humarap na rin sa wakas si Chanyeol. Lumapit siya kay Dara at hinawakan ang kamay nito. Akala ni Dara na hahalikan niya ito pero laking gulat niya nang tanggalin ni Chanyeol yung engagement ring at ibinato ito sa kung saan.


"Dobi! What are you doing?!?" Naiiyak na ang dalaga. Nanginginig ang mga tuhod niya dahil tila biglang nanghina ang mga ito.


"I said dont call me in that name!!! At hindi na kita fiancee! Hindi na kita pakakasalan! Kaya umalis ka na dito! Umalis ka na rin sa buhay ko!" Sigaw ng lalaki. Iniwan na siya nung dalawa doon habang siya umiiyak at hinahanap yung singsing. Di parin nag sisink in sa kanya ang mga nangyayari. Hanggang sa dumating si Suho.


"Noona? Noona anong nangyari?" Pero di siya kinibo ni Dara. Umalis ang dalaga ng walang sinasabi at walang dalang singsing.


Kinabukasan, sinubukan ulit ni Dara na kausapin si Chanyeol. Pero masakit ang bumungad sa kanya.


Si Hyoyeon at Chanyeol...naghahalikan.


Pagkatapos ng dalawang araw, nabalitaan nalang nila na nasa hiatus si Dara at wala na siya sa Korea.

- end of flashback -




















































You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon