(Sorry for late ud)*this is based on Chanyeol's POV not the video
"Goodluck and Congratulations, Park Chanyeol. Today is your wedding day with your soon-to-be-virtual-wife Sandara Park. 9:30 am, SST church." Pagkasabi ko nun agad na tinapat sa akin yung camera. Sana mukha naman akong maayos. Yung walang muta muta ganun. Kasi wala talaga akong kaalam alam sa mga nangyayari.
Nakangiting lumapit sakin si Sehun at niyugyog pa ako. "Hyung, ikakasal ka na!" Aniya.
Tapos lumapit naman silang lahat at pinagtatapik yung balikat ko.
"Ikakasal ka na!" Pag-uulit pa ng ilan.
Ako? Ikakasal? Totoong nangyayari to?
Di ko namalayan na nasa van na kami. Papunta raw kami sa stylist ko para maayusan na ako dahil maya-maya ay kasal ko na.
"Ang pogi mo na hyung!" Sabi ni Baek at inayos yung neck tie ko.
Nginisian ko naman siya.
"Sus. Matagal na." Umirap naman siya at pabirong sinuntok ang braso ko. Ang bading talaga kumilos minsan kaya nakaka-chancing siya sakin. Sabi na eh. Crush talaga ako ni Baek. HAHAHA!
"Ewan ko sayo."
Mga ilang minuto lang kami nagtagal dun sa stylist. Syempre magsusuot lang ako nung pangkasal at ayusan lang ng buhok okay na.
Kaya naman medyo maaga kaming nakarating sa simbahan.
Ang daming mga bisita at kapag sinabi kong bisita, yung mga bigatin.
Karamihan ay YG at SMent artists. Sinalubong ako ng SNSD noonas at si Hyoyeon ang unang lumapit.
"Congrats." Aniya. "I hope na maging masaya na kayo." Walang halong galit o ano sa tono niya. Mukhang masaya naman siya para samin. Tanggap niya na siguro.
"Thank you." Ngumiti naman siya at tumango.
Pagkatapos ng ilang batian mula sa mga artists, nilapitan naman ako ng pamilya ni jagi. Kinabahan pa ako nung una dahil baka bigla silang tumutol sa kasal na to o ano. Kaso mukhang kulang sila?
"Kuya Channie!" Nagyakapan naman kaming dalawa ni Durami pagkalapit nila sakin. Si Sanghyun naman tinanguan ako.
"Hello, hijo." Bati sakin nung babaeng nasa mid-60s na kamukhang kamukha ni jagi. "You must be Chanyeol, my soon to be son-in-law?"
"Virtual son-in-law." Dagdag ni Sanghyun.
"Ako nga po yun." Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko.
"Ang gwapo mo nga sa personal. Hijo, kahit virtual marriage lang ito sana alagaan mo siya. Wag mo na siyang sasaktan ulit. You understand?"
"Opo."
"Call me eomma." This is it! Ramdam ko na ang pagiging asawa ni jagi. Eomma ko na rin ang eomma niya pero di kami incest. Hahaha!
"By the way, Dara's father can't make it here." Aw. Sayang naman. Bakit kaya? Di ko nalang tinanong dahil baka confidential para sa pamilya nila.
"She'll understand naman po." Sabi ko. Tumango naman siya.
"Alright, see you soon hijo." Tapos umalis na sila.