Chapter 33

275 23 3
                                    













Chanyeol


"Hyung! Bagay ba tong damit ko sa pantalon ko?"


"Oo bagay na yan! Eh eto mukha na ba kong karapat dapat para kay Bom noona?"


"Yan ang pogi ko na. Teka, lagi naman akong pogi ah?"


"Kris hyung! Patulong naman ano bang style ang bagay sakin?"


"Uy! Pahingi ako ng pabango mo!"


"Tao! Maayos ba yung buhok ko?"


Nagkakagulo sa buong dorm dahil sa pinaghahandaan namin ang pagbisita sa YG building. Dahil unang beses naming pupunta dun at unang beses itong mangyari dapat magkaroon sila ng magandang impression sa grupo pagpunta namin dun. Ah teka, di pala yun ang unang beses na pupunta ako doon. Kami ni Kris.


"Baekhyun, wag masyado makapal ang eyeliner. Xiumin, kaka toothbrush mo palang kumakain ka na naman siguraduhin mong malinis ngipin mo. Yixing, bakit di ka pa bihis? Yah, Chanyeol..." tumingin naman ako kay Suho hyung na tinapik ang balikat ko. "Wag kang magpapaka baliw pag nagkita na kayo ni noona." Ngumiti ako.


"Bakit hyung selos ka?"


"Di ah. Kay Chae lang ako."


"Weh? Diba kay Bom noona ka interesado dun sa SBS gayo daejun?" Pasigaw na tanong ni Sehun na nasa labas ng kwarto. Chismoso nakikinig sa usapan ng iba.


"Ano yun? May umaagaw na naman kay Bom noona?" Biglang sumulpot sa kwarto si Luhan hyung kasama ni Sehun.


"Kay Chae nga lang ako! Maganda si Bom noona pero kay CHAERIN LANG AKO!" Natawa naman ng malakas ang HunHan.

"Kayo ba? Hindi naman diba? HAHAHA!" Sabay pa nilang sabi tapos nag high five pa. Tong dalawang to talaga.


Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa van. Hiwalay ang K at M kaya naman ay medyo tahimik na. Nakapag beauty rest yung iba maliban samin ni Baek na nanonood ng K-drama. Nakakaiyak kaya manood ng mga ganito.


Maya maya nag stop na yung van. Nagsipag gising na silang apat at muling inayos yung mga itsura nilang nagulo habang natutulog sila. Pagkatapos ay bumaba na kami. Nauna pa yung van ng M sa amin. Nag-aabang silang lahat sa gilid ng parking lot.


"Oh. Ang bilis niyo. Kanina pa kayo?" Tanong ni Suho hyung kay Kris hyung.


"Not really. Kararating lang din namin. Tara na baka ma-late tayo."















































































































Dara


Maaga akong nagising kaya naman naisipan kong ako ang magluto ng agahan. Tutal minsan ko lang ipatikim sa kanila ang mga masterpiece ko.


Isang American breakfast ang ginawa ko. Pagkatapos magluto ginising ko na sila isa-isa. Natagalan lang ako kay Chaerin na parang mantika kung matulog.


"Omo! Mukhang masarap to ah! Kaso I'm on a diet. Huhuhu." Mangiyak ngiyak na sabi ni Bom unnie pero siya yung naunang umupo at kumain. Diet ba talaga siya?


You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon