A/N: SHOCKS OKAY SHOCKS! Grabe ngayon ko lang napansin na yung chapter 41 pala yung in-update ko instead of this chap :-( oh well papel here it goes huehue. Pretend na hindi niyo pa nababasa yung 41 (kung nabasa niyo na)
Vote + comment! ^-^
Dara
"Dara unnie?" Nagising ako sa katok mula sa labas. Kahit namamanhid pa ang katawan ko bumangon ako at binuksan yung pinto.
Ngumiti si Minzy kaya napangiti rin ako. Nakakahawa mga ngiti niya.
"Goodmorning unnie. Maaga kayo ngayon sa YG building. Bangon na kasi nakapagluto na kami ni Kyungsoo oppa." Sa wakas! May pupuntahan na rin ako. Ilang araw na kaya akong nakakulong dito sa dorm.
Yay!
Kaso bakit "kayo"? Di siya kasama?
Kung di man siya kasama, grabe ang effort niyang gumising para asikasuhin ako. Ang sweet ni maknae.
Pagkatapos maligo at mag-ayos lumabas na ako, kasabay nun ay ang paglabas din ni Chanyeol na nasa tabi lang ng kwarto ko.
Nginitian niya ako at lumapit.
"Couple talaga tayo." Tumingin siya sa t-shirt ko at napansin kong parehas kami ng suot na pantaas. Ang cool. Parehas na blue at may mickey mouse reference sa gitna. Parang pupunta kami sa Disneyland.
"Gaya gaya ka." Pabiro kong sabi at inakbayan niya ko habang natatawa kaming dalawa. Mahina lang kasi madaling araw palang. Tulog pa yung iba. Mamaya magising pa dahil sa ingay namin. Nakakahiya naman.
"Teka, bakit gising ka na? May pupuntahan ka ba?" Tanong ko sa kanya habang nababa kami.
"Kasama ako sa inyo papunta sa YG. Tawag din ako ni Papa YG." Ooh. Parang alam ko na kung ano ang pag-uusapan.
Bigla naming nakasalubong si Chaerin at Kris. Magkasama.
"Yuck. Couple shirt. Corny niyo talaga." Natawa kaming dalawa ni Chanyeol sa kumento ni Chaerin. Eh...bakit sila magkasama? Sa ganitong oras? Hmm..."Eh bakit magkasama kayo?" She jokingly rolled her eyes at medyo tinulak palayo sa kanya si Kris. Ay sus, nahuli na eh.
"It's not what you think. Tsaka wag mong ibahin usapan. CORNY NIYO."
Nginisian ko naman silang dalawa tapos hinigit palapit sakin si Chanyeol at kumapit sa braso niya. "Magsawa kayo sa ka-cornyhan namin. Bleh!" Binelatan ko sila tapos umalis na kami. Rinig ko nalang ang pag-grunt ni Chae.
HAHAHA! Minsan talaga sinasapian ako ng espirito ng kabaliwan.
"Baliw ka na naman." Bulong niya sakin at kinurot yung ilong ko. "Krung-krung talaga."
"Mahal mo naman." Ako naman ang kumurot sa ilong niya. Hanggang sa nagkurutan kami ng ilong. Kaya matangos ilong namin eh. Joke.
Pagpasok namin sa kainan, nakakunot noong nakatingin samin si Kyungsoo.
"Oh, may sipon kayong dalawa?" Mukha tuloy kaming may sipon dahil namumula yung mga ilong namin. Medyo kumikirot pa nga eh.
"Ah, wala. Kurot lang to." Lalong kumunot yung noo niya na tila naguluhan lang sa sagot ko kaya umalis nalang siya.
"Mga baliw."
Nagkatinginan naman kaming dalawa ulit at tumawa sa sinabi ni Kyungsoo. Pati rin siya nasapian ng espirito ng kabaliwan. Bagay na bagay talaga kami.
"Wow. Gutom na ko." Umupo na kaming dalawa, syempre magkatabi kami. Siya ang naglagay ng pagkain sa plato. Actually sa iisang plato kami kakain. Oh diba, sobrang sweet namin? Parang mag-asawa lang?
"Say ah." Binuka ko naman bibig ko tapos sinubo niya sakin ang napakalaking chicken thigh. Jusko. Abnormal talaga to. Tawa naman siya ng tawa habang nakatingin lang ako sa kanya.
Kumuha naman ako ng chicken breast at sinalpak sa bunganga niyang malaki dahil sa kakatawa niya.
Mukhang nagulat pa siya pero tumawa nalang din siya habang nakasalpak parin sa bunganga niya yung chicken.
Parang may droga kaming nasinghot. Pero hindi. Corny lang talaga kaming dalawa.
Chanyeol
Pagkatapos kumain, sumakay na kami sa kotse ko. Kaming dalawa lang naman ang pinatawag ni Papa YG. Siguro tungkol sa isang project ng 2NEXO collaboration. O baka dun sa WGM namin ni Dara.
Since walang traffic nakarating kami agad sa YG building. Umakyat na kami sa floor ni Papa YG at sinalubong kami ni Ms. Seolhee. Right timing siya lagi sa pagsalubong ah.
"Si Sir Chanyeol muna raw ang kakausapin ni Mr. Yang. Ms. Dara please wait here." Tumango naman sa kanya si Dara tapos nginitian niya ako at hinalikan sa pisngi bago ako pumasok.
"Goodmorning po." Bati ko sa kanya pagpasok ko ng office niya. Napansin ko na may pagbabago sa kwarto niya. Mas gumanda at mas lumawak.
"Take a seat." Pero yung pagkama-autoridad niya hindi.
Pagkaupo ko nagsimula na siyang magsalita.
"Lee Soo Man and I have decided to push through the We Got Married segment. So kahit hindi mo pa natatanong si Dara kung gusto niya bang makasal ng totoo o hindi, ikakasal kayo. Virtual marriage nga lang."
Sa totoo lang, masaya na ako kahit virtual marriage lang. Basta kasama ko si Dara masaya na ako. Tsaka balang araw din naman magiging totoo na ang kasala namin.
Balang-araw hihingiin ko ulit ang kamay niya.
Magpapakasal kami at bubuo ng sariling pamilya.
Magiging masaya kami at magmamahalan.
"Tulala ka ba?" Napangiti nalang ako sa tanong niya. Iniisip ko kasi yung future namin ni Dara. Nakalimutan ko na kausap ko pa pala si Papa YG.
"Nag iisip lang po. Pero pano kung di pumayag si Dara?" Pano nga kung hindi? Ang sakit naman nun para sakin.
"Panong di papayag? Eh kayo na diba?" Oo nga naman. Ano ba tong iniisip ko? Dapat positive ako!
Dara
Nag-uupdate ako ng sns ko nang dumating si Ms. Seolhee. Sumunod ako sa kanya papasok sa office ni Papa YG at grabe, ang laki ng pinagbago ng office niya! Umasenso talaga ang kumpanya.
"Goodmorning po." Binati niya naman ako pabalik tapos umupo na ako sa tabi ni Chanyeol. He held my hand and smiled at me. Sana di kami maging high sa harap ni Papa YG."Dara, I'm sure na aware ka sa We Got Married project niyo ni Chanyeol?" Tumango naman ako. Sabi na eh, about ito sa WGM.
Nakikinig din si Chanyeol pero yung focus niya nasa kamay kong pinaglalaruan niya. Ganito siya kapag kinakabahan eh.
"Matutuloy ang project na yun. But I wanna know if it's fine with you?" Tumingin ako kay Chanyeol na ngayon ay nakayukong nakatingin sakin. Parang may kung ano sa mata niya na parang nagpapa-awa. Pfft. Paawa effect talaga.
Ngumiti ako at tumingin ulit kay Papa YG. "Of course, payag po ako. Kailan ba ang kasal?"