Chapter 25

304 22 0
                                    

Chanyeol


"Baka naman dahil talaga sa alcohol yun kaya nasabi niya na ikaw parin ang gusto niya. Pero feeling kong di influence ng alcohol yung pag-amin niya sayo na wala talaga siyang amnesia." Tss. Iba rin tong si Kris hyung eh. Sabi ko penge ng words of encouragement. Eh nakaka-discourage lang lalo yung mga sinasabi niya sakin. Pero ako rin naniniwala akong di niya talaga ako nakalimutan. Kaso naguguluhan ako kung totoo ba o hindi lalo na't sinabi niya sakin yun nung lasing siya.


"Hyung naman eh. Bukas na ang alis ko. Pano na to? Pano na ko makakabawi sa kanya eh konting oras nalang ang natitira para makasama ko siya." Nakapag-impake na nga ako eh. Tapos ang aga aga pa ng flight ko bukas. Pwede bang i-move nalang sa hapon o kaya sa gabi?


"Not really. Alam mo ba sabi ni manager hyung na may chance na maka trabaho natin ang 2ne1? Kung di raw sumikat yung SHINee×Dara projects eh ang susunod naman ay ang EXO×2NE1 or depende kung may sisikat na ship mula sa dalawang grupo. Oh diba? Makakasama mo ulit si noona?" Bigla naman akong na-excite. Sana di sumikat yung projects nina hyung kasama ni noona. Para EXO×2ne1 naman.


"By the way, lagi kang hinahanap ni Hyoyeon simula nung umalis ka. Nakakairita na nga eh. Kung di lang natin siya senior..." Tsk. Yung babaeng yun talaga. Nirerespeto ko nalang siya bilang senior ko pero kung di ko talaga siya sunbae at kasama sa iisang entertainment aba baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya.


Lagi niya pa nga akong tinetext eh. Nakakairita na. Di na nga ako nag rereply kasi lagi akong kinukulit.


4 days after mawala ni Dara, nakipag-break na ako kay Hyoyeon. Wala namang nangyayari bukod sa kaliwa't-kanan na skandalo at pambabash ng mga SONEs sakin. Buti na nga lang at nawala agad yung skandalo at nagpatuloy parin ang pag suporta ng mga tao sakin at sa EXO.


"Eh hyung, anong sinasagot niyo kay Hyoyeon?" Napangisi siya.


"Edi sinasabi namin na kasama mo si Dara noona. Hahaha! Nakakatawa nga yung itsura niya tuwing binabanggit ni Suho hyung yung pangalan ni noona. Pero sa pagkaka-alam ko hinahanapan siya ng GG ng bagong boyfriend." Edi maganda. Hindi na niya ako guguluhin. Kami ni Dara, diba?


"Si noona rin eh may bago na." Parang pumiyok ata ako nung sinabi ko yun. Nagbibinata ba ako o naiiyak? Nagbibinata siguro.


"Let me guess. Jiyong?" Tumango ako. Pano niya nalaman? Or lucky guess?


"Bakit hyung? Alam na ba ng buong S.K?" Kinabahan ako. Pano kung magpatuloy ang DaraGon shippings? Edi wala ng pag-asa ang...teka ano bang shipname naming dalawa?


"Di pa naman. Pero sabi sakin ni Donghae hyung kasi sinabi sa kanya ni noona. Oh diba, ang bilis kumalat ng chismis? Mula sa YG papunta sa SMent."
























































































Dara


"Oppa! Wag kang tawa ng tawa! Di ko tuloy maseryoso yung kissing scene!" Protesta ko kay Minho. Ginagawa na kasi namin yung kissing scene para dun sa Etude cf. Oo eto na yung project ng SHINee kasama ako. Sana nga successful.


Eto na ang last day ng shooting pero nahihirapan ako dahil hindi maseryoso nitong si Minho yung kissing scene namin. Aba ewan ko ba sa lalaking to at tawa ng tawa.


"Sorry na! Ang cute cute mo kasi eh!" Luh! Ang cute cute pero tinatawanan? Baliw.


"Aigoo. Napaka babaw mo." Sinimangutan ko siya at sinapak ng marahan.


You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon