A/N: (KUNWARI) Wala pa si Thunder sa Korea so wala siya sa performance ng MBLAQ sa SBS.
Di ko pa napapanood yung buong show kaya nag base ako sa ilang fancams.
*double update chingus♡
December 29, 2012
@SBS Gayo Daejun
Chanyeol
Di ko alam pero kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Parang may pakiramdam ako na may magandang mangyayari ngayong araw? Siguro dahil magpeperform kami?
"I love you~ ooh ooh ooh ooh." Kanta namin ni Jongin nang buksan nung driver yung radyo. Nasa iisang van kami lahat at akalain mo nga naman nagkasya kami.
"I love you Dara koooo!" Sigaw ko naman habang sinasayaw yung step niya sa kanta nilang "I Love You"
"Oy tenga nababaliw ka na naman diyan." Angal ni Kris hyung at pinalipat kay manong yung radyo. Ay! Panira si hyung!
Pero nilipat ni manong sa isa pang kanta ng 2ne1. Ang debut song nila. Lahat kami nagkakantahan maliban kay Baek na may nakasalpak na earphones sa tenga. Ibang mundo yan eh. Sa mundo ng SNSD yan.
"Guys pano kung nandun din sina noona? Kinakabahan ako! Makikita ko na naman si Bom noona! Grabe ang ganda niya nung nakita ko siya sa 7-eleven pano pa kaya pag malapitan?" Sigaw ni Luhan hyung na kanina pa binabanggit si noona. Grabe, naalala niya pa yung eksena sa 7? Iba ka talaga Lulu hyung.
Kinwento ko nga rin sa kanya yung time na umiiyak si noona dahil sa lalaki. Sabi niya papatayin daw niya yung lalaki pag nalaman niya kung sino yun. Kunwari matapang eh. Sa MVs lang naman. Hahahaha. Peace tayo hyung!
"Uy pero Chanyeol wag kang maiinis ha kasi bias ko na rin si Dara noona." Sabi ni Tao. Nag thumbs up naman ako sa kanya. Hanggang fanboy lang naman siya kaya walang problema.
"Oo na tama na yan! Puro 2ne1! Nakakarindi na! SNSD NAMAN!" Reklamo ni Baekhyun hyung samin kaya lalo naming nilakasan yung pagkanta namin. Tawang tawa naman ako sa pang-aasar namin sa kanya.
Dara
Nandito kami sa may practice room at kumakain. Tapos na kaming mag-practice eh pagkatapos kumain ay mag-aayos na kami para makapunta na sa Gayo Daejun.
Bigla naman kaming tinawag ni manager at pinaghanda na kami.
Chanyeol
Ang gagaling ng mga nag peperform ngayon. Kaya naman ay kinabahan ako nang tawagin ang pangalan namin sa backstage. Nag peperform kasi yung special group na "Mystic White" at pagkatapos nila ay kami naman ang mag-peperform.
"Go EXO! E-X-O!" Sigaw ng Suju hyungs habang tinatapik ang balikat namin isa-isa. Napaka supportive ng mga seniors namin.
Isang dahilan kung bakit ako kinakabahan ay dahil nandito sina noona. Ang aking 2ne1 noonas. Nag perform kasi si CL noona kasama ni Sung Si Kyung kanina kaya naman ay inaasahan ko na nandito ang buong grupo nila.