Dara
Nandito kaming lahat sa training room naming 2ne1. Medyo komportable na ang isa't-isa kaya naman makikita niyong naglalandian sina Bom, Kyungsoo, Luhan at Lay. Nag-aasaran ang tatlong leaders kasama ng ilang members. Si Kai at Sehun naman nagpapagalingan sa pick up lines kay Minzy kasama ni Jongdae na nang jojongdae kay maknae tapos ako naman nakahiga sa lap ni Chanyeol. Sweet namin no?
Naramdaman ko naman na sinusundot sundot niya yung pisngi ko. "Hey." Tawag niya kaya tumingin ako sa kanya. Parang bigla siyang nagulat.
"Oh? Anyare sayo?" Tanong ko na natatawa pa ng konti. Yung itsura niya kasi eh.
"Wala haha kinilig ako nung tumingin ka." Namumula siya kaya tumingin siya sa ibang direksyon. Natatawa nalang ako sa isip ko. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking namumula pag kinikilig.
"Bakit mo ko tinawag?"
"Kasi...hindi ba magagalit si Jiyong? Kasi nakahiga ka sa--"
"Break na kami." Nanlaki naman yung mga mata niya.
"What? Weh? Seryoso?" Sunod sunod niyang tanong tapos ang likot likot niya kaya napaupo ako.
"Oo nga. Bakit parang gulat na gulat ka?" Napalitan naman ng ngiti yung kaninang nakanganga niyang bibig at hinawakan yung batok niya.
"Akala ko kasi wala na kong pag-asa sayo. Teka...meron pa ba? Di mo kasi sinagot yung tanong na yun dati eh."
Aigoo. Bakit dito niya pa ko tinanong nun? Namumula kaya ako tapos feeling ko lahat sila nakatingin saming dalawa.
>\\\
Chanyeol
Natatawa ako deep inside sa reaksyon niya. Ang laki ng mga mata niya tapos namumula siya. Agad ko naman siyang niyakap para matakpan yung mukha niya mula sa mga tumitingin. Sinenyasan ko naman silang iwan kami kaya lumabas na sila. Sumilip naman si Dara sakin. My adorable Dara.
"Where are they?" Tanong niya. Nakayakap parin ako sa kanya kaya naman ngumiti ako at nilapit yung mukha ko sa kanya.
"Now that we're alone..." Nanlaki na naman yung mata at nagtago ulit sa dibdib ko. Di ko napigilang humalakhak."Yah. It's not funny." Rinig kong bulong niya. Hinarap ko yung mukha niya sakin.
"So ano nga? May pag-asa pa ba ako sayo? Yes or yes?" Napairap naman siya.
"Kapal ah. Bakit walang no?"
"Bakit? Paano ka makakatanggi sa isang Park Chanyeol?" Napangiti siya pero agad na napalitan yun ng simangot.
"Sapakin kita diyan eh."
"Mahalin kita diyan eh. Ah teka, mahal na nga pala kita."