Dara
"Jameul ggae useyo, unnieeeeee!!! (Wake up, unnie)"
"Gising darong! It's our big day today!"
"Gising gising dara!!!"
May tatlong boses ang umalingawngaw sa kwarto ko dahilan kung bakit ako napabangon ng di oras. Nakita ko pang sumasayaw sila sa ibabaw ng kama ko na parang isang tribo na may ginagawang ritwal.
"Come on sleepyhead wake up! YG appa needs us in his office. NOW."
"Arasso. Arasso. Tatayo na po." Hinila nila ako patayo at sinama ako sa pagsasayaw nila sa kama. Napangiti nalang ako at nakisabay sa kabaliwan nila.
"Haha! Alright that's enough girls. Kailangan na nating mag-ayos dahil kailangan na tayo ni Papa YG sa office niya." Sabi ni Chaerin at naunang bumaba ng kama ko.
"Magluluto na ako ng almusal." Sabi naman ni Minzy at bumaba na rin.
"Sama akoooo!!! I mean tutulong pala akoooo!" Sigaw ni Bom unnie at hinila si maknae palabas ng kwarto.
Naiwan kaming dalawa ni Chaerin unnie na tumatawa dahil sa dalawa.
"You know what, I missed you so much." Aniya at niyakap ako.
"Na miss din kita no. Dalawang taon din tayong di nagkita."
Napasinghap siya,"So okay ka na? Naka-move on ka na ba?" Seryoso niyang tanong at tumingin sa akin.
Ngumiti nalang ako at hinila siya patayo,"Baba na tayo. Baka nasusunog na yung kusina." Pag-iiwas ko sa tanong niya. Tumango nalang siya at sumunod sakin.
Pagkatapos kumain ay agad kaming nag-ayos para makapunta na kami sa YG building. Sumakay na kami sa black van at nagtungo na doon. Maya-maya ay nakarating kami agad doon at isa-isa kaming nagsilabasan.
Pumasok na kami sa building kung saan kami binati ng lahat ng staffs. Sinalubong kami ng secretary ni Papa YG na si Ms. Seolhee at hinatid kami papunta sa elevator paakyat ng kung saan mang floor nakalagay ang office ni Papa YG.
Pagdating doon ay kumatok si Ms. Seolhee sa pinto ng office.
"Come in." Sagot ng lalaki sa loob.
Pumasok naman kami at nag-bow sa kanya.
"Annyeonghaseyo, Papa YG." Kahit formal ang occassions like meetings, Papa YG parin ang gusto niyang itawag namin sa kanya.
"Annyeonghaseyo. Please sit down." Umupo naman kami sa mga upuan na available at umalis na rin si Ms. Seolhee.
"Okay. Before I tell you my news gusto ko kayong i-congratulate at i-goodluck para sa comeback niyo mamaya sa SBS. A lot of fans are excited already at yung single niyo na "I Love You" ay number 1 na sa Korea, Japan and Philippines in terms of digital sales."
"Woot! Congrats girls!" Sabi ni Chaerin at nakipag-high five samin.
"So, ano naman po yung news niyo?" Tanong ko at biglang tumahimik ang lahat habang nakatingin at nag-aabang sa sasabihin na balita ni Papa YG.
"Well...dahil sa successful ang comeback niyo kahit wala pang performance na nagaganap, a lot of entertainments are willing to collaborate their idols with you girls. Isa na dun ang SME." SME? So bati na sila ni Lee Soo Man?