"Hi Unnie!" Bati ni Hyoyeon kay Dara at umupo sa tabi nito. Nasa canteen ng SME si Dara at hinihintay si Donghae dahil sabay silang kakain.
"Hello Hyo."
"Why are you alone? Sinong kasama mo?" Tanong ni Hyoyeon at nilabas yung phone niya. "Teka, pic tayo. Say cheese!" At ngumiti ng malaki ang dalawa.
"Ah hinihintay ko si Donghae. Sabay kaming kakain. Wanna join us?" Yaya ni Dara pero tinanggihan ito ni Hyoyeon.
"Next time unnie. May pupuntahan ako na trainee." By that time, EXO palang ang trainees na pinapakilala ng SME sa artists at South Korea. Kaya iniisip ni Dara na isa sa EXO yung tinutukoy ni Hyoyeon.
"Hmm. May crush ka sa EXO no? I mean isa sa kanila?" Napangiti naman si Hyoyeon na wari ay kinikilig.
"Ang pogi niya unnie eh! Teka you know them?" Syempre kasi boyfriend niya yung isa sa EXO. Pero syempre di niya sasabihin yun.
"Hahaha! Sabi na eh! Friends kasi kami. So. . .sino nga?"
Dara
"Chanyeol, ano ba sabing busy ako diba?" Kanina pa ako pinipilit ng lalaking to na kumain daw kami sa labas. Alin ba sa sinasabi ko ang di niya maintindihan?
"Sige na noona. Ilang linggo nalang akong magiging P.A. mo. Sige ka ma mimiss mo ko." Inirapan ko siya at tumayo. Kapal niya rin eh no?
"A-NI-YO. Now go." Pero di siya nagpatinag at nagmatigas lalo. Ugh. Makulit ka ah!
"Dali na noona. Saglit lang. PLEASEEEEE?"
Bakit ba di ko siya matiis? I hate myself now!
"Fine! Fine! Now shut up!" Sabi ko at umalis para pumunta sa kwarto. Bigla naman siyang nagsisisigaw na parang baliw. Tinanong tuloy nina Bom kung anong nangyari.
Wala si Jiyong. Umalis na naman siya. Sabi niya may photoshoot siya sa Japan pero babalik daw siya agad. Well, sana nga kasi miss ko na siya.
Nandito nga pala kami sa Singapore. Yung SHINee namamasyal masyal sa kung saan saan habang ang 2ne1 ay nagcoconcert. Saya ng buhay no?
"Noona, nag-aayos ka pa ba?" Katok niya mula sa labas. Napapairap nalang ako kasi minu-minuto kumakatok siya at tinatanong kung ayos na ba ako o kung nagbago na raw ba yung isip ko?
"Maghintay ka nga!" Sigaw ko sa kanya habang sinusuot yung sapatos kong napaka taas ng heels. Wag kayo sanay na ko. Kaya walang magaganap na matatapisod ako tapos sasaluhin niya ko. Tsaka kapag kasama ko yung lalaking yun lalo akong nagmumukhang maliit. Kaya minabuti ko nang magsuot ng may malaking takong.
"Noona, pwedeng dalian mo ng konti dahil baka--" napatigil siya sa pagsasalita nang buksan ko yung pinto.
Tulala siya.
Chanyeol
Di ko ine-expect na mag aayos siya ng sobra kasi ako lang naman yung kasama niya.
Ginagawa ko na ang first move ko sa pagpapaalala ng mga nawalang alaala naming dalawa. Buti nga at meron ditong resto na kung saan ay dun kami naging magkaibigan ni Dara.