Dara
Kamukhang kamukha ko si Chanel Dria Park a.k.a Chandria. Oh diba ang taray ng full name niya? Lakas maka Chanel!
Sabi nila Bom unnie parang anak talaga namin si Chandria kasi nga kamukha ko raw. Bata palang daw mukha nang dyosa. Mana sa eomma.
Pagkatapos naming i-film ang bagong episode ng 2NEXO TV kung saan ipinakilala ang virtual daughter ng Chandara, naisipan namin ni Chanyeol na mag-dinner kasama ang anak namin pero hindi to parte ng episode. Parang mag-pamilya talaga kami no?
Pumunta kami sa isang Japanese restaurant malapit lang samin. Sa V.I.P room kami pinaupo dahil syempre ayaw muna namin na pagkaguluhan si Chandria. Ayaw namin na ma-expose siya masyado sa public lalo na sa mga sasaeng. Nakakatakot na. Baka kung ano pang mangyari.
"Eomma, gusto ko nito. Pati ito. Mukhang masarap din to." Napapakamot nalang ako sa ulo habang pinapanood ang pagturo niya sa iba't-ibang pagkain sa menu. Pati si Dobi napapanganga nalang.
"Aegi, you can't finish all of that." Sabi ko naman at tinuro ang isang seafood ramen na junior size,"Ito nalang. Masarap to."
Hindi na siya nag-protesta pa kaya iyon na ang in-order namin para sa kanya.
"Aegi, bagay ba kami ni eomma?" Biglang tanong ni Chanyeol kay Chandria tapos inakbayan ako. Ano ba namang klaseng tanong yun? Syempre oo!
Kinilig naman daw ako.
"Syempre appa! Ang ganda ni eomma tapos ang gwapo mo rin." Sabi nga nila, hindi nagsisinungaling ang mga bata.
Pagkatapos namin kumain, agad na rin kaming umuwi dahil sa inaantok na si Chandria. Sa kwarto ko siya natutulog pero sa WGM daw namin magkakaroon kami ng sariling bahay. Nasa iisang kwarto RAW kami ni Dobi tapos si Chandria may sariling kwarto. Ewan ko kung totoo, yun ang sabi kasi ni Bom na mahilig manood ng WGM shows. Pero since ang YG at SM ang mag-proproduce ng show, mag-iiba siguro ang WGM namin sa original na WGM.
"Eomma." Napalingon ako kay Chandria na kalalabas lang mula sa banyo.
Dahil nagustuhan niyang suoting ang damit ni Dobi na wolf, isang white shirt naman ng appa niya ang sinuot ni Chandria. Gusto pa nga ni Chanyeol na magsuot din ako ng damit niya pero piningot ko lang ang tenga niya.
"Tara na, let's sleep." Binuhat ko siya papunta sa kama ko at kinumutan.
Chanyeol
Nagising ako ng 6:30 ng umaga dahil gusto kong ipagluto ang mag-ina ko. Hehe.
Pero paglabas ko ng kwarto ko nagulat ako dahil nakapalibot sakin ang buong exo wearing tux. Napansin ko rin na nandoon din yung tatlong noonas at may mga nag-cacamera sa likod. Shooting ba ng bagong episode?
"Anong meron?"
Sabay sabay silang ngumiti kaya medyo kinilabutan ako at lumapit sakin si Suho hyung at inabot sakin ang isang maliit na white envelope.
Binuksan ko agad iyon at napanganga.
"Basahin mo ng malakas." Sabi ni hyung sakin.
Napangiti ako habang binabasa ang nakasulat. "Goodluck and Congratulations, Park Chanyeol. Today is your wedding day with your soon-to-be-virtual-wife Sandara Park. 9:30 am, SST church."
{END OF PART 1}
A/N: Nope! Di pa ito ang katapusan :-) para i-publish ko ang susunod I need 15 votes and comments saying na gusto niyong i-post ang next part (KAHIT YES OR NO LANG) Walang time limit. As long as umabot sa 15 votes at marami yung nag-comment (okay by marami meaning hindi 1 o 2. Comment kayo ples.) Nasulat ko na yung next parts at nag-effort ako (charot) para sa susunod na i-uupdate ko kaya sana mag-participate kayo :)