Dara
Isang linggo na ang nakalipas at naghahanda na kami para sa pagpunta namin sa Japan para sa aming concert the next day. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay pinatawag ako sa YGE kaya umalis na agad ako dahil baka urgent matter. Pagdating ko doon ay agad kong nakita si Jiyong oppa kaya bumaba ako ng kotse at dali-dali siyang nilapitan.
"Oppa!!!" Sigaw ko at niyakap siya.
"Darong!!!" Sigaw din niya at niyakap din ako.
"Oppa, di mo ko sinabihan na ngayon pala ang balik mo. Edi sana sumama ako sa pagsundo sayo." I pouted and he laughed as a response.
"I missed you."
"Namiss din kita." Naputol ang maikling pag-uusap namin nang lumapit samin si Ms. Seolhee.
"Ms. Park, Mr. YG is waiting for you in his office."
"Ay oo nga pala. Jiyong, I need to go. Papa YG's calling me."
"Oh, sama na ako. Kakausapin ko rin siya." Ngumiti ako at tumango. Sabay kaming dalawa na umakyat.
Chanyeol
"Hyung, kinakabahan ako. Pano kung...pano kung mas magalit siya sakin?"
"Shut up, tenga. Mananahimik ka diyan o hindi mo na makakausap si Dara noona kahit kailan."
"Eto na po tatahimik na po." Napasandal nalang ako sa upuan ko at nanahimik nalang gaya ng sinabi niya.
Kung nagtataka kayo kung nasaan kami, nandito kami sa office ni Papa YG. Pinadala ako dito ni tito Soo Man dahil pinilit ko siyang tulungan akong mapalapit kay noona.
And guess what, he talked to Papa YG to tell him to hire me as noona's P.A. Kaya nandito ako ngayon kasama si hyung para pag-usapan ang tungkol doon.
Biglang pumasok si Papa YG kasama ang isang babae. Tumayo kaming dalawa at nagbow sa kanya.
"Annyeonghaseyo. Please sit down." Malakas niyang sabi kaya lalo akong kinabahan. Alam kong strikto siya kaya dapat ayus ayusin ko ang pagsagot ko sa kanya.
"Let's not waste our time here. Park Chanyeol, right?" Tumango ako. Tumingin siya kay hyung.
"And you are?"
"Kris Wu, sir."
"Okay, so sino sa inyong dalawa ang magiging P.A. ng aking idol?" Nagtaas ako ng kamay.
"Ako po...s-sir." Tinitigan niya ako saglit tsaka siya napasinghap.
"Alright. You're hired." Tinawag niya yung babaeng kasama niya pumasok at may binulong siya doon. Tumango naman yung babae at umalis.
Tama ba yung narinig ko? I'm hired? Yumuko ako para ngumiti. Nakakahiya pag nakita akong ngumiti ni Papa YG. Baka isipin niyang plinlano ko to.
Biglang bumukas yung pinto at pumasok siya. Napangiti ako pero agad iyong nawala nang makita kong may kasama siya.
Si GD sunbaenim.
Dara
"Hahaha. Ang saya naman dun." Nagkwekwentuhan kami tungkol dun sa stay nila sa Japan hanggang sa makarating kami sa tapat ng office ni Papa YG.