Chapter 39

260 26 16
                                    

A/N: Help me reach my goal for this chap, 10 comments and 12 votes. Better kung mas madami pa diyan. Nalaman ko kasi na marami palang silent reader. It won't hurt, swear :-)

























































Dara

Busy ako sa paglilinis ng bahay dahil ako lang na naman yung naiwan dito. Bakit ba ako lang hindi busy?

Minsan naman naiimbitahan akong mag guest sa ilang shows pero madalas dine-decline iyon ni Papa YG. Sabi niya kasi kailangan ko raw muna ng pahinga dahil ang susunod na project ay nakakapagod lalo na para sakin. Yung we got married thingy.

Di ko nga alam kung matutuloy pa yun eh.

Kung itatanong niyo kung bakit ako busy maglinis yun ay dahil sa darating ang aking napaka poging kapatid. Oo, si Sanghyun nasa Korea na ulit. Kasama niya siguro si Durami.

"Kailangan mo ba ng tulong?" Napatingin ako kay Taemin na kararating lang. Sinabi ko kasi na nakauwi na kapatid ko at bibisita siya rito sa dorm kaso siya lang ang hindi busy sa group nila kaya siya lang nakapunta.

Nginitian ko naman siya habang inaayos ang sofa. "Bisita ka kaya maupo ka lang dito."

Umupo naman siya at naglaro nalang sa phone niya. Ilang saglit lang dumating na ang groupmates ko kaya tinulungan nila akong magluto except kay Bom unnie na nililibang si Taemin.

"Oo nga pala unnie, may pinadalang box para sayo." Sabi ni Minzy.

"Talaga? Kanino galing?"

"Unknown eh." Napakunot naman noo ko at natulala saglit. Ah, baka galing sa fan.

"Nasa kwarto mo." Tumango naman ako at inalis yung apron ko.

"Tingnan ko muna yung box. Babalik ako agad."

"Sige unnie."

Madalas kasi mga letters lang ang natatanggap ko mula sa fans. Kaya naman kapag may something na kakaiba or special na pinadala na-eexcite ako na buksan yung regalo.

Pagpasok ko, nakita ko ang isang pamilyar na malaking box. Pamilyar pero di ko naman alam kung saan ko to nakita. Walang nakasulat na kahit ano. Walang to or from pero pano nila nasabi na sa akin nga pinadala 'to?

Bubuksan ko na sana nang may sumigaw,"DARA! NANDITO NA SINA SANGHYUN!"

Agad kong tinago ang box na malaki sa ilalim ng kama ko. Next time ko nalang bubuksan.

Bumaba na ako at nakita ko na nag-uusap si Taemin at Sanghyun tapos si Durami kausap yung tatlo. At nang makita ako ng dalawa kong kapatid, tumakbo sila papunta sakin at niyakap ako.

Kahit sakit sa ulo, nakakamiss din tong dalawa. Ilang buwan o taon na rin kaming di nagkasama no? Lahat sila nasa States tapos ako iniwan dito mag-isa. Saklap ng life pero hey, tama na ang drama dahil nag-reunite na rin kami sa wakas!

Umupo na kaming lahat at nagkamustahan.

"Kamusta nga pala sina eomma at appa?" Tanong ko sa dalawa.

"Okay naman sila. Miss ka na nga raw nila as in super!" Miss nila ako? Eh bakit di nila ako bisitahin?

"Sorry daw kung di makabisita sayo sina eomma, di kasi pwedeng bumyahe ng malayo si appa. Alam mo naman, dahil sa sakit niya." Naiintindihan ko naman. Siguro ako ang kailangang mag-adjust at ako ang gagawa ng paraan para makita ko sila. Pag nasa break ulit siguro ang group ko bibisitahin ko sila.

You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon