A/N: Hehe. Sinadya ko talaga kayong ibitin kagabi dun sa last chap. Anyway eto na yung kadugtong since wala pa kong pasok at ang rami ko ng drafts na nagawa.
Dara
"Aigoo. Eonnie, kakain ka ba o makikipagchismisan kay kuya?" Naiinip na ako eh. Akala ko ba kakain kami?
Ngumiti naman siya at nagpaalam na kay guard kahit papasok palang naman kami ng 7-Eleven. Si eonnie talaga madaldal masyado. Kung di ko pa siya sasawayin di yan titigil.
Nauna siyang maglakad sakin para buksan yung pinto pero bigla siyang tumigil na tila gulat na gulat.
"Shit. Oh shit." Bulong niya. Woah. Di naman nagmumura si eonnie. Nagulat ako lalo nang bigla niya akong hilahin palayo sa 7-Eleven at nang tumigil kami ay tiningnan ko siya ng masama.
"Niloloko mo ba ako? Akala ko gusto mong-" di niya ako pinatapos magsalita at umiling iling.
"Ayoko na palang mag-7 Eleven. Sa iba nalang tayo. Tara na?" Binuksan niya na yung pinto.
"Ah...okay?" Sagot ko na may pag-aalinlangan at sumakay na kasunod niya. Di ko na ginawang big deal yung nangyari kahit medyo weird. Sa bagay, may pagka-alien ang utak ni eonnie eh hahaha.
Chanyeol
Di ako makagalaw. Gusto kong tumayo para puntahan siya at salubungin siya sa may pinto pero di ko magawa. Nakatitig lang ako sa mukha niyang hinahanap hanap ko simula nung nawala siya.
Bubuksan na ni Bom noona yung pinto pero nang makita niya ako. nanlaki yung mga mata niya at may binulong sa sarili. Kasunod nun ay hinatak niya palayo si Dara sa pinto. Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas para gumalaw. Tumakbo ako palabas at nakitang hila hila niya parin siya palayo dito at papasok sa isang kotse.
Tatakbo na sana ako para habulin sila nang pigilan ako ni Suho hyung.
"Teka. Wag mo na siyang habulin."
"P-pero hyung si Dara noona na yun! Kailangan ko siyang makausap!" Nagsilabasan na ang iba at pinanood na umalis yung kotse na sinakyan nina noona.
"Alam namin. Pero unfair naman sa kanya kung di pa siya handa na makipagkita sayo."
"May dahilan kung bakit hinila siya ni Bom noona paalis. Baka nga hindi pa handa si Dara noona na magkita ulit kayo." Singit ni Luhan hyung,"Speaking of Bom noona, grabe, ang ganda talaga niya!!!" Parang nawalan na siya sa sarili sa sobrang kilig at hinayaan nalang namin siyang pagsasapakin ni maknae.
Biglang nalungkot ang buong sistema ko. Pano kung di na kami magkita dahil puro pag-iiwas nalang ang gagawin niya?
"Bigyan mo siya ng panahon, Channie. Makikipag-usap din yun sayo."
Tumango ako at ngumiti. May naisip na akong paraan para makausap siya.