Chapter 28

271 21 4
                                    

Chanyeol


Bakit kasama pa siya? Mamaya kung ano pang gawin niya habang nandito si Dara noona.


Nakaupo kaming lahat sa sofa at hinihintay ang pagdating ng aming mga noona.


*ding dong* Biglang may nag-doorbell.


"Ako na magbubukas!" Sigaw ni Baek na kanina pa excited kasi dadating yung TaeTiSeo. Este, excited siya kasi darating si Taeyeon noona.


"Annyeong pretty noonas." Rinig kong bati niya sa mga ito. May pretty pa talaga ah. Sabay sabay naman kaming tumayo at bumati sa kanila.


Teka, wala si Hyoyeon. Yes!


"Annyeong! Woah haha ang linis ng dorm niyo ah infairness." Manghang sabi ni Tiffany noona habang pinagmamasdan yung paligid. Pinaupo namin sila sa sofa at binigyan ng pagkain at maiinom.


"Noona, kasama niyo ba si Hyoyeon?" Tanong ko sa kanila.


"Actually--"


"Annyeong chingus!" Speaking of.


Akala ko di na siya dadating. Asar.


Tumayo kaming lahat para batiin siya. Tapos nang makita niya ako agad siyang tumakbo papunta sakin at niyakap ako. Linta kung makadikit ang babaeng to.


"Channieeeee! I missed you. Lagi akong nag tetext sayo pero di ka naman nag rereply!" Aish. Ang pa cute niya masyado. Pake ko ba kung nag tetext siya? Na rereceive ko naman pero di ko binubuksan.


"Hyoyeon, stop that." Utos sa kanya ni Taeyeon noona. Napairap naman siya at di ako binitawan. Nakayakap parin tuloy siya sakin habang nakaupo kami.


"Oo nga pala noona, bakit napadalaw kayo? Hehe."


"Gusto lang naman namin kayong kamustahin. Masama ba?" Sabi ni Seohyun noona. Ang ganda niya talaga. Ay, kay Dara noona ka lang!


"Haha. Natanong ko lang naman noona. Tsaka di lang kayo ang bisita namin." Sabi ni Suho hyung.


"Jinjja? Sino pa?"


"Darating ang 2ne1 noonas." Sagot naman ni Lu.


"What?!?" Biglang napatayo si Hyoyeon. Nakatingin lang kami sa kanya. Awkward.


"Omg! That's good. Kasi ang tagal na rin naming di nag bobond. Especially Chaerin." Sabi ni Tiffany noona. Buti nawala yung awkwadness. Galing ni noona. Umupo naman ulit si Hyoyeon.


"Close kayo ni Chaerin, noona?" Tanong sa kanya ni Suho hyung. Tumango si noona. "Pakilala mo naman ako sa kanya oh."


"Pfft. She's mine back off." Sabi ni Kris hyung? Sila na?


"Mine? Kayo na?!?" Halos sabay sabay naming tanong sa kanya. Kinunotan niya kami ng noo.


"That was a joke. Mukha bang kami na? Tch." Bad joke hyung! Bad joke!


"Actually, close kami sa 2ne1. At di ko alam na pati rin kayo close sa kanila."


"Actually we invited them so--" pero pinutol ni Hyoyeon yung sasabihin ni Suho hyung.


"Syempre close sila. Eh ex ni Channie yung isa dun eh." Natahimik naman kami bigla sa sinabi ni Hyoyeon. Sarap niyang itulak talaga.


"Do you really have to make things awkward? Tss." Halatang pissed off na sa kanya si Kris hyung at yung iba.


You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon